_ngayon
^

PSN Opinyon

Law-abiding PNoy

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Nagkatugma ang sinabi ko tungkol kay dating Pa­ngulong­­ Benigno Aquino III bilang isang ‘law-abiding citizen’ sa salaysay ng kanyang long-time driver at personal assistant­ na si Nory Mariano kung gaano siya ka stickler­ kahit sa traffic rules gusto niyang sundin kung ano man ang sina­saad sa batas.

Napatunayan ko Ito nang minsang dumalaw ang yumaong pangulo rito sa Davao City na kung saan umiiral ang smoking ban at speed limit. Bawal maninigarilyo kahit saan at may designated areas lahat kung saan pinapahintulutan ang paninigarilyo. And speed limit naman ay 30, 40 at 60 kilometers depende kung saan kang area sa siyudad na pupuwede ang mabilis at allowed lang ang 30 kph sa city proper.

Minsan naabutan ko si PNoy na naninigarilyo sa ilalim­ ng isang puno na may naka-kordon na designated smoking area.

“Edith, law-abiding citizen ako, ha,” sinabihan ako ni PNoy sabay turo na sa designated area siya naninigarilyo.

Heto pa dagdag niyang sinabi – ‘Law-abiding citizen din ako ha kasi sumunod kami sa speed limit na 30,’’ na kahit napakabagal nga ng takbo nila kahit na kasama siya sa presidential convoy.

Madali namang labagin ni PNoy ang lahat ng mga local ordinance na ‘yun dito sa Davao City dahil Pangulo siya ng Pilipinas ngunit mas pinili niyang sundin ang lokal na batas kaysa sawayin niya ang mga ito.

At alam n’yo ba na ang mayor ng Davao City nang panahong ‘yon ay ang ngayong Pangulong Rodrigo Duterte­ at ang vice mayor ay ang kanyang anak na si Sara Duterte-Carpio.

Panahon nga naman. At si Duterte ang sumunod kay PNoy bilang Pangulo ng bansa.

PNOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with