_ngayon
^

Ultra-cold storage facility para sa Pfizer vaccine

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Maraming bumabatikos na ang Pfizer vaccine na huling dumating dito sa bansa galing United States ay napunta lang daw lahat dito sa Davao City dahil nga raw favored one ang siyudad, na hometown ni President Duterte.

Ito ay pagpaliwanag lang naman na hindi lahat ng 2.2 million doses na dumating sa Pilipinas ngayong linggong ito ay napunta lahat sa Davao City. Wala itong kato­tohanan dahil nga kontrolado rin ng COVAX Facility ang distribution ng bakuna kontra COVID-19.

Ganito ‘yon, sa 2.2 million doses na dumating na Pfizer vaccines galing US sa pamamagitan ng COVAX Facility nitong, linggo, 1.8 million doses ang napuntang Metro Manila o National Capital Region at ang Cebu City at Davao City ay nakatanggap ng 210,600 doses bawa’t isa.

Ibig sabihin na pantay ang Cebu City at Davao City na nakatanggap ng tag-210,600 doses bawa’t isa habang ang Metro Manila ay 1.8 million doses naman dahil na rin sa populasyon nito.

Alam ng lahat kung gaano ka sensitive at kailangan­ talaga ng maingat na handling ng Pfizer vaccines at kaila­­ngan talaga ng ultra-cold storage facility upang paglagyan ng mga bakuna.

At sa bansa natin, tanging Metro Manila, Cebu City at Davao City lang ang may nasabing ultra-cold storage facility kaya ito lang ang napaglaanan ng Pfizer vaccines.

Kaya walang katotohanan na pinaboran ang Davao City para sa distribution ng Pfizer vaccines.

At isa pa ay ang balitang pumunta lang si dating Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa Davao upang magpaturok ng Pfizer vaccine.

Sinovac ang tinurok kay Gibo noong dumating siya rito upang batiin si presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio ng belated maligayang kaarawan.

Si Sara mismo ang nag-challenge kay Gibo, na taga-Tarlac, na kailangan na niyang magpabakuna ora mismo. Hayun at Sinovac nga ang tinurok kay Gibo na inaasahan namang makatutulong nang malaki sa paghikayat sa lahat na magpabakuna na upang mapaglabanan ang COVID-19.

Mali ang balita na Pfizer ang tinurok kay Gibo.

COVAX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with