_ngayon
^

Aanhin pa ang damo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

Parami nang parami ang dating ng inangkat na bakuna. Mukhang tutugma tayo sa ekspektasyon na pagdating ng Agosto, sa rami na ng supply na dumating ay maari nang makapamili ng kursunadang brand. Ngayon pa lang, sa dagsa ng pumipila para sa iilang dose ng Pfizer, mapapansin ang pagkiling ng nakararami sa tanyag na U.S. brand laban sa SinoVac na gawa sa Tsina.

Subalit hindi pa natatapatan ang pagdagsa ng ba­kuna ng pagdagdag din ng vaccination sites at personnel. Dahil dito ay may kabagalan pa rin ang roll-out, na kapag hindi natugunan ay maaring humantong sa pagkapanis ng mga bakunang nakatengga. Siyempre, may implikasyon din ito sa hangaring magkaroon ng herd immunity sa katapusan ng taon.

Mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nagsalita na kailangang pabilisin ang roll out at hindi ‘yung pangilan ngilan lang ang naipapamahagi. Kapag ang mga katulad na ni Mayor Domagoso ang nagparinig, kailangan itong pakinggan. Mabilis ang patakbo ng Maynila ng vaccination program at kaya nilang i-fast track ang paghatid ng bakuna sa braso ng babakunahan.

Mapapansin na nadaragdagan na rin ang mga sektor na kuwalipikado para sa bakuna. Kontrobersiyal nga na ang mga gobernador at mayor ay isinali na sa sektor A-1 na kasing timbang ng mga health worker. Salat nang sobra ang pananaw ng taumbayan sa serbisyong nagmumula sa kanilang mga halal kung kaya maraming nagreklamo sa prayoridad na ito. Subalit ito’y pagtanggap lamang na ang ating mga pinuno ay frontliner din sa paghatid ng serbisyo. Ang Bayanihan nga ay “National Government enabled, Local Government Led” ang programa. Tama lang na mabakunahan din sila agad.

Sa pangkalahatan, kailangang madagdagan pa – ang bakuna, ang mangbabakuna, ang magpapabakuna. Malayo pa tayo sa tamang porsiyento upang maabot ang target na 70 million sa katapusan ng taon. Humigit kumulang, 500,000 kada araw ang kailangan para rito. Sa ngayon, nasa 70,000 daily pa lang ang average. Hala, bira! Ika nga ni YorMe, huwag nang patubuan pa ang mga bakuna sa kung saan-saang bodega.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with