_ngayon
^

Community pantry namimigay ng condoms at pills

DURIAN SHAKE - Edith Regalado (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2021 - 12:00am

Akala n’yo pagkain lang puwedeng ipamigay sa community pantry na nagsusulputan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nagkamali kayo dahil may iba pang pangangailangan ang ating mamamayan lalo na sa panahon ng pandemya bunsod ng COVID-19.

Ika nga safe sex sa panahon ng pandemya ang sinu-sulong ng pisang LGBT group dito sa Davao City na bukod pa sa pagkaing pinamimigay nila, namimigay din ng libreng contraceptives tulad ng condoms at pills, at sinamahan pa maging ng lubricant ang kanilang commnunity pantry sa Purok 9, Barangay 76-A dito sa Davao City.

Bukod sa pagbigay ng kamalayan ukol sa sakit na STD at HIV-AIDS,  naglalayon din ang nasabing LGBT group dito na  makatulong sa problema ng tumataas na bilang ng teenage pregnancies.

Ayon kay Regie Manginsay ng LGBT Davao City Coalition, nais din nilang makakuha ng suporta sa mga mamamayan upang mapanatili ang kanilang community pantry.

At gaya ng sinasabi ng ibang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kung maari kukuha lang ng ayon sa pangangailangan at magbigay na rin kung pupuwede sa kung among nararapat sa mga nasabing community pantries.

Kaya naman nirarapat ng nasabing LGBT group na namimigay ng contraceptives na kung maari kumuha lang ng tamag items ang bawa’t isa upang may makuha naman ang iba pang nangangailangan.

Naging positibo naman ang pagtanggap ng mga mamamayan sa nasabing pamimigay ng contraceptives dahil kahit paano’y nakakatulong din ito sa mga nanga-ngailangan at maiwasan ang paglobo ng populasyon sa panahon ng pandemya.

LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with