^

PSN Opinyon

Quezon Gov. Danilo Suarez sumusuko sa pandemic

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IBIG nang magretiro ni Quezon Province Governor Danilo Suarez. Ang dahilan, hirap siyang supilin ang lumu­lubhang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Tumaas ang bilang ng COVID-19 sa Quezon na uma­bot na sa 9,800 at mahigit 400 na ang namatay. Bukod dito, mahigit 14,000 pa lamang ang nabakunahan sa 2-milyong residente ng probinsiya.

Ibinunyag ng governor na nakakuha na diumano ng Sputnik Gamaleya vaccine ang kanyang probinsiya pero mababa ang bilang ng mga nabakunahan. Hindi tinukoy ni Gov ang dami ng Sputnik Gamaleya na hawak na ng lalawigan ng Quezon. 

Saan nanggaling ang Russian vaccine gayung sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na inaasahan pa lang ang pagdating ng 20,000 doses ng Sputnik bago matapos ang Abril? Narating ng gobyerno ng Pili­pinas ang agreement sa Gamaleya nito lamang April 15, 2021.

Sa panayam kay Suarez sa National Press Club (NPC), inamin niya na matanda na siya at nais na lamang niyang manahimik bilang public official. Sa front­liners ay nakumpleto na ang bakuna pero sa mga mamamayan ay marami pang hindi nababakunahan. 

Nakasalang sa mainit na kontrobersiya ang governor dahil ayon sa DOH, kulelat ang Quezon Province sa bilang ng mga nabakunahang mamamayan. Mahigit 2.1 million ang residente ng lalawigan ng Quezon ngunit 0.0006% lang ng populasyon ang nabakunahan.

Ayon naman kay Suarez, ang panukalang P1-bil­yong pondo ng lalawigan ay hindi pa nakukuha dahil ‘di pa aprubado ng Development Bank of the Philippines (DBP). Para sa sariling kalusugan dahil may edad na siya, mabuti nga marahil ang pagreretiro.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with