^

PSN Opinyon

Amerika obligadong sumaklolo sa Pilipinas

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kahit maasim ang pagtrato ni Presidente Duterte sa United States, hindi ito naglalarawan sa pangkalahatang relasyon ng Pilipinas sa naturang bansa. Kinikilala pa rin ng Amerika ang umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT) sa Pilipinas.

Isa pa, hindi pababayaan ng US na mawalan ito ng kontrol sa Timog-Silangang Asya sa harap ng ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sa kabila ng mga diplomatic protest ng Pilipinas laban sa pagpapanatili ng China sa 220  barko nito sa Julian Felipe Reef, nagmamatigas ang China sa  pagsa­sabing ito’y kanilang teritoryo at handa silang makipaglaban kung igigiit ng Pilipinas na lumayas sila roon. Inamin naman mismo ng Pangulo na sa ganitong issue, “inutile” siya at walang magagawa.

Dahil dito’y hantaran nang nagbabala ang US sa China sa mga ginagawa nitong agresibong aktibidad sa pinagtatalunang karagatan. Ayon sa US, ang anumang karahasan na gagawin ng China sa Pilipinas ay tiyak na magbubunsod sa US na gumawa ng aksiyong militar. Ito ay ayon mismo kay State Department spokesman Ned Price sa isang press briefing kamakailan.

Hindi lang naman sa Pilipinas may commitment ang Amerika kundi sa iba pang mga kalapit na bansa gaya ng Taiwan na namimingit bawiin ng Mainland China. Isa pa ring superpower ang Amerika at kahit sinasabing superpower na rin ang China, madadaig pa rin ito ng US kapag ang huli ang kumilos.

Kaso nga lang, ito ay magbubunga ng digmaang mas matindi ang panganib at perhuwisyong maidudulot kaysa dinaranas nating pandemya ng COVID-19. Sa tingin ko nga, ang COVID-19 ay isang estratehiya ng China para ilihis ang atensiyon ng mga bansa sa militarisasyong ginagawa nito.

vuukle comment

MDT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with