^

Walang epekto

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2021 - 12:00am

“Walk the talk”. Ibig sabihin samahan ng aksyon ang salita. Ito ang pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Defense Sec. Delfin Lorenzana matapos­ ang ilang palaban na pahayag kaugnay sa rami ng barkong Tsino sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa tulad ng Julian Felipe Reef at Union Banks.

Kahina-hinala kung ano ang pakay ng mga barkong pangisda raw, ng China sa mga lugar. Umabot nga sa higit 200 ang bilang ng mga barko nila sa lugar mula pa noong nakaraang taon.

Malinaw na sinamantala ang pandemya para luma­yag sa mga lugar at tila walang ginagawa, maliban na lang kung sa gabi kumikilos ng ilegal. Hindi ako magtataka kung talagang mga mangingisda iyan, sira na ang kalikasan doon.

Ngayon lang nagsalita nang ganyang katapang si Lorenzana hinggil sa ginagawang pagpasok ng mga barko ng China sa ating EEZ. Ngayon lang siya nagdemand na umalis ang mga barko sa Julian Felipe Reef dahil wala namang masamang panahon at hindi siya maloloko. Pero medyo natawa naman ako sa kanyang isang pahayag­ na hangarin daw ng China na sakupin ang West Philippine Sea.

Alam ko noong 2016 pa, iyan na ang hangarin ng China. Nakagawa na nga sila ng mga artipisyal na isla na may paliparan at mga kagamitang militar. Ngayon, ibang mga lugar naman ang minamataan para lumikha ng karagdagang artipisyal na isla.

Sa kabila ng mga maaanghang na salita mula sa ilang miyembro ng Gabinete niya, nagpahayag si President Duterte na mapayapang resolusyon ang kanyang nais sa mainit na isyu dahil kaibigan naman ang China. Walang sorpresa sa kanyang pahayag.

Pero kung magsalita ang embahada ng China sa bansa ay sila pa ang matapang at binansagang «unprofessional» si Lorenzana. Iginiit din na sa kanila ang karagatan kaya sila naroon. Walang epekto sa kanila ang anumang protesta na ihain ng DFA.

Hintayin na lang kung ano ang susunod na aksyon ng gobyerno hinggil sa problemang ito. Marami ang sumusuporta kay Lorenzana. Panahon na para igiit ang soberenya natin sa mga isla sa West Philippine Sea. Masyadong garapal at gahaman na ang China.

TALK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with