_ngayon
^

Abogado, lumabag sa Code of Professional Responsibility

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2021 - 12:00am

IKINASAL sina Ely at Lina noong Hulyo 23, 1983. Pagka­tapos ng 14 na taon ng pagsasama at pagkakaroon ng apat na anak ay nagkasundo silang maghiwalay. Hiningi nila ang payo ni Atty. Amelia kung puwede silang maghiwalay ng legal at tapusin ang kanilang kasal. Gumawa ng kasulatan ng “Kasunduan Ng Paghihiwalay” si Atty. Amelia at siya pa mismo ang nagnotaryo nito.

Sa kasunduan ay malinaw na pumayag ang bawat isa na magkanya-kanya na sila sa buhay at puwede pa nga na maghanap ng ibang partner o asawa. Ang tatlong matatandang anak nila ay titira kasama ni Ely samantalang maiiwan naman ang bunso sa pangangalaga ni Lina pero pansamantala ay kasama muna ni Lina ang lahat nang anak habang nag-aaral pa sila at si Ely ang bahalang magsustento sa pangangailangan nila. Ang lahat naman ng kailangan sa bahay ay si Lina ang magbibigay. Ang usapan din nila ay walang pakialam ang isa’t isa sa ari-arian na hiwalay na maipupundar ng asawa.

Bandang huli, kinamkam ni Lina ang lahat ng naipundar nilang ari-arian noong sila ay nagsasama pa. Pati mga anak ay nasa kustodiya ni Lina. Kaya ang ginawa ni Ely ay humingi ng payo sa kasama sa trabaho, si Manny na isang law graduate. Ipinaliwanag ni Manny kay Ely na walang bisa at labag sa batas ang kasunduan. Kaya nagsampa ng reklamo si Manny laban kay Atty. Amelia dahil sa paglabag nito sa sinumpaang tungkulin bilang abogado, malpractice at misconduct. May pananagutan ba si Atty. Amelia?

May pananagutan si Atty. Amelia dahil nilabag niya ang Code of Professional Responsibility (Rule 1.01 Canon 3). Hindi puwedeng ang isang abogado at notaryo publiko pa ang manguna sa pagsira ng isang kasal dahil sa ginawa niyang paghihikayat na maghiwalay ang mag-asawa at mag­kawatak-watak ang pamilya.

Walang bisa ang naging pagsira sa conjugal partnership ng mag-asawa dahil wala itong basbas ng korte. Kaya tama lang na suspindehin ng isang taon sa pagiging abogado at pagiging notaryo ni Atty. Amelia sa loob ng dalawang taon kung sakaling ginagamit pa niya ito (Espinosa vs. Omana, A.C. 9081, October 12, 2011, 659 SCRA 1). 

LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with