_ngayon
^

Hindi pa tapos ang laban

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2021 - 12:00am

Laking tuwa ng mga Pinoy nang dumating ang Sino­vac at AstraZeneca vaccines at sinimulan na ng pamahalaan ang vaccine rollout sa iba’t ibang panig ng bansa kontra COVID-19 infection.

Nagsidatingan na nga ang bakuna kontra COVID-19 at unang tinurukan ayon sa priority list ng World Health Organization, ang mga medical frontliners, kasunod ang mga senior citizens at ang may mga co-morbidities.

Ngunit kasabay ng pagdating ng mga bakuna ay ang pagiging kampante naman ng mga Pinoy at hayun patuloy na lumalabas at hindi na sumusunod sa basic health protocols gaya ng pagsuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at ang social distancing.

Isip kasi ng mga Pinoy na may bakuna na at pupuwede na silang maglamiyerdang walang pakialam sa mundo na gumala nang gumala lalo na sa mga mataong lugar.

Ang resulta ngayon, patuloy ang pag-akyat ng COVID-19 cases na umaabot na sa higit 4,000 new cases araw-araw. Pumapalo na sa mahigit 600,000 ang COVID cases at higit 12,000 ang namatay.

Heto nga may bakuna na ngunit hindi ibig sabihin    nito na tapos na ang laban natin kontra COVID-19 dahil medical frontliners pa ang unang binabakunahan.

Patuloy pa ang ating laban kaya huwag tayong ma-ging kampante.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with