^

PSN Opinyon

Ninakawan at pinatay ng anak

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Part 1)

Ito ay nangyari sa bahay ng mag-asawang Victor at Josie na nasa isang liblib na barangay sa isang isla sa probinsiya. Bandang alas-sais ng hapon, naghahanda na ng hapunan sina Josie at Victor kasama ng tatlo nilang apo na sina Stephen, Jun at Randy. Naistorbo sila ng mga tahol ng aso at pagsilip ni Stephen sa bintana, nakita nila ang anim na lalaki, tatlo sa kanila ay nakilala ng bata, ang tiyuhin na si Lance at dalawang barkada nito na sina Jepoy at Bogart.

May dalang itak sina Jepoy at Bogart at agad na nagsipasok sa pinto ng kusina dahil sa siwang sa pinto. Nakilala ni Josie si Jepoy dahil sa liwanag ng ilaw. Pagpasok ng kusina ay agad na tinaga ni Jepoy si Victor sa kanang braso, noo at kaliwang braso hanggang tulu­yang mapatay ang matanda sa pamamagitan ng isang malalim na tama sa dibdib.

Pagkatapos ay si Bogart naman ang nagtali sa mga kamay at paa ni Josie. Kinaladkad siya malapit sa bangkay ni Victor at hinampas ng puluhan ng baril sabay tanong kung nasaan ang pera nila. Halinhinan na pinaghahampas nina Bogart at Jepoy si Josie hanggang ituro ng babae ang baul kung saan nakatago ang pera. Agad na kinuha ng dalawa ang salapi pero nanghingi pa ng iba.

Nilubayan lang ng dalawa ang biktima nang tawagin sila ni Lance at sabihin na patay na ang tatay nitong si Victor. Nang umalis sina Bogart at Jepoy ay saka lang nakalapit ang mga apo ng mag-asawa para kalagan ang lola nila at dahil sa mga sugat nito ay inalalayan na makalakad papunta sa kalapit na bahay ng anak na babae nito na si Andrea.

Dumating ang mga pulis at gumawa ng imbestigasyon sa insidente. Bandang huli ay nasampahan ng piskal ng probinsiya sina Lance, Jepoy, Bogart at tatlo nilang kasama para sa krimen ng pagnanakaw at pagpatay (robbery with homicide).

Itinanggi nina Lance, Bogart at Jepoy na may kinalaman sila sa krimen samantalang ang iba nilang kasama ay hindi naaresto kaya ang tatlo lang ang tuluyang nilitis sa korte.

Ginawang testigo ng prosekusyon sina Josie, apo niyang si Stephen na noon ay pitong gulang lang, ang pulis na si Patrolman Rodas na nag-imbestiga sa kaso at si Dr. Mendoza na nagsagawa ng awtopsiya sa bangkay ni Victor para mapatunayan sa hukuman ang lahat ng nangyari at ang katauhan ng tatlong akusado lalo sina Jepoy at Bogart na pumasok sa bahay at walang awang inatake at pinatay si Victor bago nalimas ang pera at ari-arian ng mag-asawa.

Sa kabilang banda, ang alibi nina Bogart at Jepoy ay naroon sila sa kabilang barangay na may 13 kilometro ang layo para dumalo sa pista nang mangyari ang insidente. Naroon daw si Bogart sa bahay ng kapatid niyang lalaki at nakikipag-inuman sa mga kaibigan, nag-ihaw pa raw sila at namulutan hanggang hatinggabi. Tumestigo pa para sa kanya ang mga kaibigan. (Itutuloy)

vuukle comment

NINAKAWAN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with