^

PSN Opinyon

Mga rebeldeng Mangyan, sumuko sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

SUMUKO ang may 24 katutubong Mangyan at tuluyan­ na nilang tinalikuran ang CPP-NPA na nangako na pa­gan­­dahin ang buhay nila subalit ang nangyari lalong naghirap pa sila. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na ang pagsuko ng 24 katutubong Mang­yans ay malaking dagok sa hanay ng CPP-NPA na nag-o-operate sa Oriental Mindoro.

Ang trabaho pala nitong sumukong Mangyan, na re­gular members ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) ng Lucio de Guzman Command ng Southern Tagalog Regional Party Committee, ay ang mangalap ng mga impormasyon, pagkain, gamot, at armas para sa kanilang mga sandatahang miyembro. Ayon kay Sinas, itong sumukong rebelde ay sumasali rin sa opensiba laban sa mga pulis at sundalo kapag tinatawag ng liderato ng CPP-NPA. Dipugaaaaa!

Itong sumukong Mangyan ay iprinisenta ni Brig. Gen. Pascual Muñoz Jr., director MIMAROPA police, kay Maj. Gen. Angelito Casimiro, Director for Logistics ng PNP sa ginanap na 30th PNP Founding Anniversary celebration sa regional headquarters ng MIMAROPA. Isinuko nila ang Intratec kalibre .9mm submachinegun at dalawang automatic na pistol.

Ayon kay Muñoz, dininunsiyo ng mga Mangyans ang CPP-NPA at nangako silang suportahan ang mga programa at proyekto ng gobyerno ni President Digong. Idinagdag pa ni Muñoz na ang mga sumuko ay mabibigyan­ ng tulong mula sa Enhanced Comprehensive Local Integ­­ration Program (E-CLIP) ng gobyerno. Dipugaaaa! Itong E-CLIP ang ibinebenta ni Muños sa iba pang naligaw ang landas na mga Mangyan para sumuko na din sila sa pama­halaan bago maging huli ang lahat.

Samantala, sumuko rin ang NPA combatant na si Ka Redy, 25, para makapiling ang child warrior na kapatid na si Ka Anda, 17, na naaresto ng mga pulis, kasama ang dalawa, pa sa Northern Samar. Ayon kay Brig. Gen. Ronaldo de Jesus, PRO8 director, sumuko si Ka Redy sa Silvino Lubos Municipal police station dala-dala ang kanyang mga armas.

Nakapiling ni Ka Redy si Ka Anda sa pamamagitan ni Col. Rafael Tayaban, ang PD ng Northern Samar. Ayaw kasi ni Ka Redy na maranasan ni Ka Anda ang paglilinlang sa kanya ng CPP-NPA, kung saan nalipasan s’ya ng gutom at kung saan-saan na lang natutulog. Iginiit ni Sinas na ang magkapatid ay makakatanggap din ng ayuda sa E-CLIP. Dipugaaaa!

Sa iba pang naliligaw ng landas nating kapatid sa kabundukan, aba sumuko na kayo bago maging huli ang lahat. Abangan!

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with