^

PSN Opinyon

Cpl. Reymon Ventura ng Teresa, Rizal, humanda ka!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nais kong bigyang pugay ang Philippine National Police-Internal Affairs Office (PNP-IAS) partikular ang kanilang Inspector General na si Atty. Alfegar Triambulo.

Ito’y dahil sa kanyang ginawa na motu propio matapos niyang mapanood sa PTV4 sa programa kong BITAG Live nitong Martes ng umaga ang sumbong laban sa pulis na si Cpl. Reymon Ventura ng Teresa, Rizal.

Si Ventura ay ‘yung inireklamo ng kanyang delivery boy ng pano-norture sa loob mismo ng presinto. Ang dahilan, naiwala lamang ng pobreng delivery boy ang isang resibo.

Nang makausap ko si Ventura, pinabulaanan niya ang sumbong, sinungaling daw ang delivery boy. Putok sa buho talaga! Bakit gagawa ng kuwento ang isang maliit na tao na naghahanapbuhay laban sa isang awtoridad na tulad niya.

Tinanggihan niya ang alok kong polygraph test sa kanila ng biktima. Aba, sampahan na lang daw siya ng kaso. Hulog siya sa BITAG!

May katigasan daw talaga ang apog ni Ventura. Umano­, sabi ng barangay ay ilang beses na nilang sinita ito dahil sa ilegal na pagre-refill at pagbebenta ng mga LPG.

Hindi inisip na malaking panganib ang dulot niya sa kanilang komunidad.

Kaya naman Martes ng gabi, nakipag-ugnayan na ang investigation team ng PNP-IAS sa biktimang delivery boy. Napaiyak ito habang iniinterbyu ko sa Pambansang Sumbungan dahil sa laki ng takot sa inirereklamong pulis.

Bukod dito, pormal na tinanggap mismo ni National Police Commission (Napolcom) Vice-Chairman Vitaliano Aguirre II ang sumbong. Nais niyang makausap ang biktima sa kanyang tanggapan.

Simula nang pumutok ang isyu tungkol sa killer cop na si Nuezca ng Tarlac, nagkakaroon ng unti-unting pagbabago sa ahensiya ng PNP.

Sa platapormang ikinasa ni Vice Chairman Aguirre, tinanggalan na ng kapangyarihan ang regional appellate board ng Napolcom na magdesisyon sa mga inirereklamong pulis.

Mismong si Aguirre, sinabing sa level na ito ay nagkakaroon ng mga aregluhan, bayaran at padrino kaya yung ilan ay naaabsuwelto sa kanilang mga kabalbalan.

Hindi na puwede yan ngayon dahil lahat ng desisyon, kailangang manggaling sa head office ng Napolcom.

O Cpl. Ventura at iba pang kagaya mong pulis na sumisira sa imahe ng PNP, handa ka na ba? IAS at Napolcom na ang bahala sa’yo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with