^

The devil and the deep blue sea

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

Giit ng Department of Trade and industry (DTI) “paba-yaan nang lumabas ng tahanan kasama ang kanilang mga nakatatandang kaanak ang mga batang nasa edad na sampung taon”. Ngunit tugon ng Department of Health (DOH) “ huwag muna at may pandemya pa.” Pati mga local executives ay mahigpit na tumututol sa panukala ng DTI.

Ang nasa isip ng DTI ay ang pagpapasigla sa negosyo na mahalaga sa kabuhayan ng bansa. Ngunit ang inaalala ng DOH ay ang pagbibingit sa kapahamakang mahawa ng COVID-19 ang mga musmos.

Parehong may sentido ang dalawang departamento. Ngunit ang pagpili sa dalawang opsyon na ito ay, wika nga sa kasabihang Inggles, “a choice between the devil and the deep blue sea.” Para bang kung ikaw ay nasa napakainit na kawali, lulukso ka ba patungo sa apoy?

Ang bata ang pinakamahalagang merkado ng mara-ming negosyo, lalo na ‘yung mga pook pasyalan, kainan at mga malls. Ang mga bata ang matatawag na “bilmoko” na humihikayat sa magulang na “bilmoko niyon, bilmoko niyan.” Magmula nang sumulpot ang pandemya, malaki ang ibinagsak ng mga negosyong nabanggit.

Pero kung luluwagan para makapamasyal na ang mga bata mula sa edad na sampu pataas, eh di dapat payagan na rin ang face-to-face session sa paaralan porke napakahalaga ng edukasyon para sa mga kabataan.

Mahirap gumawa ng desisyon sa panahong ito lalo pa’t kahit mayroon nang bakuna, wala pa ring katiyakan kung tuluyan ng masusugpo ang COVID-19 pandemic. Mainit sa kawali pero mas mabilis tayong matutupok kung lulukso tayo sa apoy.

Lord, paano na po kami? Help!

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with