^
EDITORYAL - Huwag magluwag sa Metro Manila

EDITORYAL - Huwag magluwag sa Metro Manila

(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Hindi pa dapat magluwag sa quarantine restrictions sa Metro Manila sapagkat patuloy pa ang pagdami ng COVID cases. Sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), nasa 511,679 ang kaso ng COVID. Tumaas umano ang bilang ng kaso sa Metro Manila matapos ang holiday season at mga idinaos na pista sa Quiapo at Tondo noong naka­raang linggo.

Nakapagdudulot din ng pangamba ang pagpasok­ ng bagong variant ng COVID kung saan, 17 pa ang nagpositibo. Unang nakapasok sa bansa ang bagong variant nang isang lalaki na galing Dubai ang nagpositibo. Ilan sa mga kasama ng lalaki sa eroplano ang nagpositibo. Ayon sa report, magaling na ang lalaki. Ayon sa DOH, 12 ang nagpositibo sa Bontoc, Mountain Province. Kabilang sa mga ito ang dalawang OFWs na galing sa Lebanon noong Dis­yembre. Sinabi sa report na Disyembre 10 pa lamang ay mayroon nang nakapasok na variant sa bansa. Unang nadiskubre ang bagong variant sa United Kingdom noong Disyembre 2 at kumalat sa South Africa. Madali umanong makahawa ang new variant.

Nakapagtataka naman ang desisyon na pinapa­yagan nang palabasin ang mga bata. Nagpasya ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF) na luwagan ang age restrictions sa mga lugar na nasa modified general community quarantine. Ayon sa IATF, pinapayagan nang makalabas ng bahay ang edad 10 hanggang 65.

Isa sa mga dahilan ng IATF kaya nagdesisyong payagan nang makalabas ang mga bata ay para raw dumami ang mga customer sa mga malls, restaurant at nang makabangon na ang ekonomiya. Sa kasalukuyan, ang mga nasa edad 15 hanggang 65-anyos lang ang pinapayagang lumabas.

Hindi pa napapanahon para magluwag sa Metro Manila. Maski si National Task Force against COVID-19 spokesman Restituto Padilla ay tutol na luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila. Ayon kay Padilla dapat manatili sa kasalukuyang quarantine restrictions ang MM hanggang sa gumanda na ang datos ng mga kaso rito.

Maghigpit pa sa pagpapatupad ng health protocol. Marami na naman ang walang face mask at face shield. Kung may face mask man, nakalabas din ang ilong at ang iba nakalagay sa baba (chin). Mayroong nakasabit sa taynga ang face mask. Mag­hugas palagi ng kamay. Sumunod sa ipinag-uutos para hindi na kumalat ang virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with