^

Kailangang imbestigahan

K KA LNG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Nakatutok ang buong mundo ngayon sa Norway dahil sa balita na may mga namatay matapos maturukan ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech. Ang bakuna ng Pfizer-BioNTech ang may pinakamataas na efficacy rate sa mga bakuna ngayon. Batay sa mga ulat, 30 ang namatay habang may ilang nakaranas ng mga side effects. Lahat ng mga namatay ay edad 80 pataas at nakatira sa mga nursing homes kaya pinag-iingat na ang pagbigay ng bakuna sa mga matatanda at mahihina na ang katawan.

Wala pa namang ebidensiya na ang bakuna mismo ang dahilan ng pagkamatay ng mga may edad dahil ma­rami ring matatanda ang namamatay sa mga nursing homes sa Norway bago pa ang pandemya at paglabas ng bakuna. Pag-aaralan pang mabuti ng kompanya at mga otoridad kung may kinalaman ba ang bakuna sa kani­­lang pagkamatay. Mananatili pa rin ang Emergency Use Authorization (EUA) na ibinigay ng DOH sa bakuna­ Pfizer-BioNTech habang hinihintay ang resulta ng imbes­­tigasyon.

Mapapansin na walang pagkondena at pagsisisi sa bakuna ng Pfizer-BioNTech. Walang tumalon para sisihin­ ka­agad ang kompanya. Kailangan ding maintindihan ng lahat na wala pang isang taon nang ilabas ang lahat ng bakunang nalikha ng mga kompanya ngayon. Karaniwan­ ay taon o dekada pa nga ang inaabot bago makalikha ng bakuna. Pero dahil nagmadali ang lahat para maibalik na sa normal ang ikot ng mundo, wala pang isang taon ay meron na.

Ang naulat sa Norway ay hindi makakatulong sa pag-aalinlangan ng marami na magpabakuna ngayon. Maaaring hindi pa ito ang huling insidente ng epekto ng mga bakuna. May mga kompanya na may sariling bakuna kaya malalaman pa kung may side effects din ang mga ito. Pero kung mga eksperto naman ang tatanungin, hindi sila nababahala sa nasabing balita. Lahat nang namatay ay 80 anyos pataas at may mga sakit. Ganunman, kailangang imbestigahang mabuti bago husgahan. Nakasalalay ang katapusan ng pandemyang ito sa maayos na bakuna.

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with