^
EDITORYAL - Paluwagin pa sa trapik ang EDSA

EDITORYAL - Paluwagin pa sa trapik ang EDSA

(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Noong Hunyo 2019, sinabi ni President Duterte na kayang mag-travel ng limang minuto mula Cubao, Quezon City hanggang Ayala Avenue sa Makati City. Gusto niyang huwag nang mahirapan ang mamamayan sa sobrang trapik.

Nagdaan ang 2020, walang nangyari at bumigat pa ang trapik. Lumuwag lang ang trapik nang mag-lockdown dahil sa pandemia mula Marso hanggang Mayo. Pero ngayon na nagluwag na, muli na namang perwisyo ang trapik sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada. Nagmimistulang malaking parking lot ang EDSA. Usad pagong kahit na nagkaroon ng pagbabago kung saan, ang mga bus ay mayroon nang sariling sakayan at babaan.

Pero noong nakaraang linggo, mukhang magkakatotoo ang sinabi ng Presidente na kaya nang magbiyahe ng limang minuto mula Cubao hanggang Ayala via EDSA. Isang himala sapagkat lumuwag ang EDSA. Kapansin-pansin ang pagkonti ng mga pribadong sasakyan na yumayaot sa EDSA.

Isang nakitang dahilan sa pagluwag ng EDSA ay ang pagbubukas ng Skyway Stage 3 Project noong nakaraang linggo. Ang Skyway ang nagko-connect sa SLEX at NLEX. Mula Balintawak, Quezon City hanggang Buendia Avenue sa Makati City ang travel time ay 15 minuto lamang. Malaking kaginhawahan sa mga motoristang umuubos ng tatlo hanggang apat na oras na biyahe sa EDSA. Ang Skyway 3 ay ginawa ng San Miguel Corporation. Sa kasalukuyan, wala pang bayad ang pagdaan sa Skyway na tatagal hanggang Enero 31. Salamat sa SMC.

Malaking tulong ang Skyway at harinawang ma-kagawa pa ng mga ganitong alternatibong ruta ang pamahalaan sa tulong ng SMC para maibsan ang kalbaryo ng mamamayan sa problema ng trapiko.

Sa 2020 Numbeo Report ukol sa sitwasyon ng trapik sa Pilipinas, lumabas na nangunguna ito sa mga bansa sa Asya na may pinaka-worst na trapik. Pumapangalawa sa Pilipinas ang Indonesia, sumunod ang Thailand, Malaysia, Singapore at Vietnam.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), P5.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa Pilipinas dahil sa matinding trapik sa Metro Manila. Nakapanghihinayang ang salaping nagastos na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Ipagpatuloy pa ang pagpapaluwag sa EDSA at iba pang kalsada. Alisin ang mga sagabal sa kalsada. Walisin ang mga bulok na sasakyan. Gumawa pa ng alternate route gaya ng Skyway. Kapag nagawa ang mga ito, hindi na worst ang trapik sa bansang ito.

EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with