^

Babaing opisyal ng gobyerno, tinarget ni Atong Ang!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2021 - 12:00am

MAY bagong target ang negosyanteng si Atong Ang at ‘yan ay isang babaing mataas na opisyal ng gobyerno ni President Digong. Inakusahan ni Atong ang babaing opis­yal na nakipagsabwatan sa karibal niya sa negosyo na gambling lord para solohin ng huli ang negosyong online sabong. Mukhang ang career ng babaing opisyal ay nang­galing din sa kababayan niyang gambling lord, ani Atong. Get’s n’yo na kung sino siya mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nilalakad kasi sa ngayon ng opisyal ni Digong na ang ahensiya niya ang mag-regulate ng online sabong at sa tingin ni Atong magiging pabor ito sa gambling lord. Ni­linaw ni Atong na hindi puwedeng hawakan ng ahensiya ni babaing opisyal ang online sabong dahil saklaw ito ng local government code RA 7160 at RA 1991. Ipina­liwanag niya na ang Tongreso... este Kongreso ang nagbigay ng power sa local government units (LGUs) para hawakan o magbigay ng permit at mag-regulate ng sabong.

Pinirmahan ng Senado ang naturang batas at maging­ ng Presidente ng Pinas noong 1991. Idinagdag pa ni Atong na maski gamitan ng online ‘yan, eh LGU pa rin ang may saklaw ng sabong. Tools lang po ang online, ang giit pa ni Atong. Dipugaaaaa!

Sa kanyang mensahe sa “Bayang Sabungero,” sinabi ni Atong na ang batas sa sabong ay dapat respetuhin. Subalit, aniya, pinipilit nang malakas na babaing opisyal na alisin sa LGUs ang pag-regulate ng online sabong. Itong plano ng babaing opisyal ay ipinarating na kay Atong ng abogado ng opisina nito, na ‘di rin sang-ayon na ha­wa­kan nila ang online sabong.

Kilala ni Atong ang babaing opisyal dahil nakakausap niya ito. “Ang hindi ko lang po maintindihan kung bakit galit na galit sa akin (babaing opisyal). Kung anu-ano ang sinasabi niya,» ani Atong. Hehehe! Lumalala na ang away nina Atong at karibal niya at may nadadamay pang iba. Dipugaaaaa!

Sa totoo lang mga kosa, itong online sabong ay original na ideya ni Atong at ikinasa noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown. Bilyon ang iniakyat nito sa kaban ni Atong kaya pinasok na rin ni gambling lord. Kung sabagay, inamin naman ni Atong na walang «exclusivity» ang negosyong online sabong at lahat puwedeng pumasok as long na willing magbayad ang mga ito ng tax para matulungan ang gobyerno ni President Digong. Abangan!

ATONG ANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with