^

Tamang hatol, maling parusa (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

Tumestigo si Jackie at isang guidance councilor para sa prosekusyon upang patunayan na ginahasa siya ng tatlong beses at mayroon siyang schizophrenic personality na dulot ng kinimkim na galit at hinanakit laban sa kanyang ina at sa amain na si Edgar.

Bilang depensa, itinanggi ni Edgar ang ginawa at nagpalusot na nasa trabaho siya nang mangyari ang pang­gagahasa. Pinatunayan ito ng isang katrabaho at ni Doray na nagsabing hindi raw nangyari ang rape dahil lagi siyang kasama ng kalive-in.

Hindi pinaniwalaan ng RTC ang alibi ni Edgar at mas pumabor sa testimonya ni Jackie. Naglabas ito ng hatol na nagkasala si Edgar sa tatlong kaso ng rape at hinatulan ng tatlong death penalty ang lalaki at pinagbabayad ng danyos.

Sa awtomatikong pag-akyat ng kaso sa Supreme Court, ipinipilit ni Edgar na inimbento lang ni Jackie ang sinabi dahil gusto raw siyang gantihan ng dalagita sa mahigpit niyang pagdidisiplina sa anak-anakan. Nagpapalusot lang daw si Jackie para hindi makulong sa kasong pagnanakaw kaya nagpapaawa siya sa mga pulis  at sinabi ang tungkol sa rape. Kung hindi raw ay bakit inabot ng mahigit isang taon bago siya nagsampa ng reklamo.

Pareho pa rin ang naging hatol ng SC. Nagkasala raw si Edgar para sa tatlong kaso ng rape kahit sabihin pa na hindi magkakatugma ang sinasabi ni Jackie tungkol sa araw at petsa ng krimen. Hindi raw sapat ang pagkakamali ni Jackie sa mga detalye para ibasura ang kanyang buong testimonya. Maliliit na pagkakamali lang ito dahil nga hindi naman siya tinuruan kung paano sumagot.

Hindi naman elemento ng krimen ng rape na dapat mapatunayan ang eksaktong araw at petsa. Basta napa­­tu­nayan na totoong ginahasa siya. Napatunayan ng SC na malinaw at diretsong naipahayag ni Jackie sa korte ang masaklap niyang sinapit sa kamay ng buhong na amain. Sa ganoon kabatang edad at sa kanyang murang pag-iisip ay malabong inimbento lang ni Jackie ang lahat ng sinabi.

Ang tagal na inabot bago nakuhang magsampa ng reklamo ni Jackie ay hindi rin nakaapekto sa kanyang kredibilidad bilang biktima. Pinili niyang manahimik dahil sa takot sa kanyang ama  an papatay sa kanya. Sapat na ang respeto at takot ni Jackie sa amain para mangimi siya at magdalawang-isip na magreklamo. Nang magsumbong din siya sa ina ay hindi man lang ito naniwala sa kanya at kinampihan pa si Edgar kaya nga pinili na lang niyang maglayas.

Iyon nga lang, ayon sa SC, mali ang parusa na tatlong death penalty. Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakulong lang daw ang dapat na parusa para sa tatlong kaso ng rape dahil hindi lubos na napatunayan ng prosekusyon ang pagiging amain ni Edgar sa biktima at ang natukoy lang ay ang pagiging live-in partner nito dahil nga nagsasama pero hindi sila nagpakasal ni Doray (People vs. Magtrayo, G.R. 134480-82, October 4, 2000).      

RTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with