^

‘Malayo pa ang eleksiyon, ginagawa ko lang ang aking trabaho!’

UNFILTERED - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2020 - 12:00am

Hindi na nga ba ako nagkamali. Noong Lunes ay tinuluyan­ ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang NLEX Corp. Isinilbi ang suspension ng kanilang business permit sa Valenzuela.

Sa aking panayam sa mayor kahapon sa BITAG Live, sinabi niyang lumabag ang NLEX sa iba’t ibang alituntunin sa Valenzuela. Kasama rito ang public safety, general welfare at consumer rights.

“Ngayon sana matauhan na sila. Maliit man ang local government unit at malaki man silang negosyo, they can’t get away with highway robbery every single day,” ani Gatchalian.

Marami na kaming pinagsamahan ni Mayor Rex kung public service ang pag-uusapan. Hindi na mabilang ang mga negosyong naipatawag at naipasara niya dahil sa mga paglabag nito hindi lamang sa karapatan ng mga empleyado.

Kaya hindi ko na ikinagulat ang mala-David at Goliath na senaryo kahapon sa Mindanao Avenue Toll Plaza habang sini-serve ang suspension.

Sasabihin ng ilan, LGU ka lang Mayor, maghinay-hinay ka. Sagot ng mayor, ang business permit ay isang prebi­lehiyo, ito ay usaping lokal.

Ang prebelihiyong ipinagkakaloob sa mga negosyong nasa Valenzuela ay may kaakibat na responsibilidad at obligasyon na sumunod sa regulasyon ng siyudad.

Kumbaga. kung si David ay may tirador, si Mayor Rex naman ay ginamit ang kapangyarihang bawiin ang busi­ness permit ng NLEX na lumabag sa tuntunin ng Valenzuela­.

Sa ngayon, naka-holiday toll sa parte lamang ng Valen­zuela toll gates. Kung hanggang kailan, “nasa kanila na ang bola kung kailan sila kikilos,” sagot ni Mayor Rex.

Unfiltered, kinuha ko rin ang kanyang panig hinggil sa mga nagsasabing pa-epal lamang ang mayor. Na dahil ma­lapit na ang eleksiyon ay nagpapakitang gilas lamang ito.

Simple lang ang kanyang sagot: “Kapag wala kang ginawa, tamad ang Mayor. Kapag may ginawa ka, pa-epal ka. ang mga bashers lang ang nagbibigay kulay sa ginagawa ng iba.”

Dagdag pa ni Mayor Rex, “Ben, simula’t sapul ay hands on na ako. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Walang pulitika, walang halong pangangampanya.”

Ito ang tunay na YORME. Walang papogi, walang maraming satsat, aksiyon agad!

“Sa palagay ko ngayon, gising na gising na ang NLEX,” pagtatapos ng mayor sa aming interview.

NLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with