EDITORYAL - Walang karoling at party-party!

EDITORYAL - Walang karoling at party-party!

(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Mahigpit na ipinagbabawal ang nakaugaliang pangangaroling at pagdaraos ng Christmas party ngayong panahon ng Kapaskuhan upang makaiwas sa COVID-19. Ito ay bilang pagsunod sa health protocol na ipinatutupad sa buong bansa. Sa mga pagtitipon, ang pinapayagan lamang ay para sa 10 tao kaya hindi puwede ang maramihang pagdaraos ng kasayahan gaya ng Christmas party.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez­, head ng Metro Manila Council (MMC), napagkasun­duan nang lahat ng mga mayor sa kalakhang Maynila­ na hindi papayagan ang pagkakaroling at pagdaraos ng Christmas party sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Nagkaroon ng pulong ang lahat ng Metro Manila mayors noong Linggo. Ayon pa kay Olivarez­, dini-discouraged din nila ang mga nasa pribadong­ kompanya na huwag magdaos ng pagtitipon nga­yong Kapaskuhan. Ito ay para makaiwas sa paghahawahan ng virus.

Huwag munang magdaos ng Christmas party o mangaroling. Sundin ang mga pinag-uutos para hindi na dumami pa ang kaso ng COVID. Maski ang mga pagsasama-sama ng pamilya o reunion ngayong Pasko ay makabubuting iwasan muna o huwag munang gawin dahil sa panganib ng virus.

Nasa paligid pa ang COVID-19 kaya hindi pa dapat­ maging kampante lalo ngayong panahon ng Kapas­­kuhan. Huwag munang magsama-sama. Tiis-tiis muna ngayong Pasko. Mas lalong malaking problema kapag dumami ang kaso ng COVID na ngayon ay umabot na sa 431,630.

Kung mahigpit sa mga magkakaroling at mga pagtitipon, dapat din namang higpitan ang mga taong dumadagsa sa Divisoria ngayong Kapaskuhan­. Kahapon, marami na namang tao sa Divisoria at hindi na nasusunod ang social distancing. Mayroon din umanong walang face mask at face shield.

Kung mahigpit sa pagdaraos ng Christmas party at pagkakaroling, dapat mas tutukan ang mga lugar na dinadagsa ng mga tao upang mapigilan ang pag­kalat ng coronavirus.

Ngayong pinapayagan na ring lumabas ang mga bata basta may kasamang guardian, mas lalong dapat­ maging mahigpit at baka matulad sa ibang bansa na nakararanas ng second wave ng corona­virus. Sayang ang pag-iingat sa nakalipas na walong buwan kung hindi maghihigpit.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with