^

PSN Opinyon

Hindi na kailangang magpaliwanag

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

May bagong hepe ang Philippine National Police (PNP). Siya ay walang iba kundi si Maj. Gen. Debold Sinas, ang mas kilalang “mañanita general” dahil sa ginawang selebrasyon noong Mayo 8, kaarawan niya. Naging kontro­bersyal ang selebrasyon dahil sa paglalabag sa mga mini­mum health protocols sa panahon nang mahigpit na lock­down.

Kitang-kita sa mga larawan sa inilagay sa website ng NCRPO na hindi nag-social distancing ang iba at may banda pang tumutugtog habang sila’y kumain ng almusal kahit ipinagbawal ang mass gatherings. Humingi ng tawad, dapat lang, si Sinas pero ipinagtanggol pa rin na hindi sila lumabag sa batas.

Naganap ito matapos ang insidente kung saan nabaril at napatay ng pulis na nagbabantay ng checkpoint si Winston Ragos, isang dating sundalo na may post-trau­matic stress disorder. Lumabag umano si Ragos sa lock­down at hindi sumunod sa mga utos ng pulis.

Bubunot pa umano ng baril si Ragos kaya binaril at napatay ni Police Master Sergeant Daniel Florendo pero batay sa imbestigasyon ay hindi armado si Ragos kaya kinasuhan ng NBI death investigation division ng reklamo para sa murder, pagsinungaling habang suma­ilalim sa panunumpa, at pagtanim ng ebidensiya laban kay Florendo.

Kinasuhan din ang ilang police trainee na nagbantay rin sa nasabing checkpoint. Kaya tumanggap ng matin­ding batikos si Sinas dahil sa hindi patas na pagpapa­tupad ng batas. Ano rin ang nangyari sa kaso ni Florendo kahit malakas ang ebidensiya laban sa kanya?

Kinusuhan si Sinas at 18 opisyal noong Mayo dahil sa paglabag sa lockdown. Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, hindi mababasura ang kaso laban kay Sinas kahit siya na piniling bagong PNP chief. Karapatan din umano ni Pangulong Duterte na mamili ng karapat-dapat na PNP chief at hindi na kailangang magpaliwanag sa kanyang pinipili.

Marami ang nagtataka kung bakit si Sinas na may kaso pa nga ang pinili kung may mga mas mataas pang heneral sa PNP tulad ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Ganun nga talaga ang buhay. Depende kung sino ang gusto ni Duterte at walang kinalaman ang ranggo sa PNP.

May anim na buwan si Sinas bilang PNP chief. Bigyan daw ng pagkakataon. Tingnan na lang natin kahit may pag-aalala na ang ilang grupo.

Hindi na kailangang magpaliwanagMay bagong hepe ang Philippine National Police (PNP). Siya ay walang iba kundi si Maj. Gen. Debold Sinas, ang mas kilalang “mañanita general” dahil sa ginawang selebrasyon noong Mayo 8, kaarawan niya. Naging kontro­bersyal ang selebrasyon dahil sa paglalabag sa mga mini­mum health protocols sa panahon nang mahigpit na lock­down.

Kitang-kita sa mga larawan sa inilagay sa website ng NCRPO na hindi nag-social distancing ang iba at may banda pang tumutugtog habang sila’y kumain ng almusal kahit ipinagbawal ang mass gatherings. Humingi ng tawad, dapat lang, si Sinas pero ipinagtanggol pa rin na hindi sila lumabag sa batas.

Naganap ito matapos ang insidente kung saan nabaril at napatay ng pulis na nagbabantay ng checkpoint si Winston Ragos, isang dating sundalo na may post-trau­matic stress disorder. Lumabag umano si Ragos sa lock­down at hindi sumunod sa mga utos ng pulis.

Bubunot pa umano ng baril si Ragos kaya binaril at napatay ni Police Master Sergeant Daniel Florendo pero batay sa imbestigasyon ay hindi armado si Ragos kaya kinasuhan ng NBI death investigation division ng reklamo para sa murder, pagsinungaling habang suma­ilalim sa panunumpa, at pagtanim ng ebidensiya laban kay Florendo.

Kinasuhan din ang ilang police trainee na nagbantay rin sa nasabing checkpoint. Kaya tumanggap ng matin­ding batikos si Sinas dahil sa hindi patas na pagpapa­tupad ng batas. Ano rin ang nangyari sa kaso ni Florendo kahit malakas ang ebidensiya laban sa kanya?

Kinusuhan si Sinas at 18 opisyal noong Mayo dahil sa paglabag sa lockdown. Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, hindi mababasura ang kaso laban kay Sinas kahit siya na piniling bagong PNP chief. Karapatan din umano ni Pangulong Duterte na mamili ng karapat-dapat na PNP chief at hindi na kailangang magpaliwanag sa kanyang pinipili.

Marami ang nagtataka kung bakit si Sinas na may kaso pa nga ang pinili kung may mga mas mataas pang heneral sa PNP tulad ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Ganun nga talaga ang buhay. Depende kung sino ang gusto ni Duterte at walang kinalaman ang ranggo sa PNP.

May anim na buwan si Sinas bilang PNP chief. Bigyan daw ng pagkakataon. Tingnan na lang natin kahit may pag-aalala na ang ilang grupo.

Hindi na kailangang magpaliwanag

 

Korina

 

K ka Lang

 

May bagong hepe ang Philippine National Police (PNP). Siya ay walang iba kundi si Maj. Gen. Debold Sinas, ang mas kilalang “mañanita general” dahil sa ginawang selebrasyon noong Mayo 8, kaarawan niya. Naging kontro­bersyal ang selebrasyon dahil sa paglalabag sa mga mini­mum health protocols sa panahon nang mahigpit na lock­down.

Kitang-kita sa mga larawan sa inilagay sa website ng NCRPO na hindi nag-social distancing ang iba at may banda pang tumutugtog habang sila’y kumain ng almusal kahit ipinagbawal ang mass gatherings. Humingi ng tawad, dapat lang, si Sinas pero ipinagtanggol pa rin na hindi sila lumabag sa batas.

Naganap ito matapos ang insidente kung saan nabaril at napatay ng pulis na nagbabantay ng checkpoint si Winston Ragos, isang dating sundalo na may post-trau­matic stress disorder. Lumabag umano si Ragos sa lock­down at hindi sumunod sa mga utos ng pulis.

Bubunot pa umano ng baril si Ragos kaya binaril at napatay ni Police Master Sergeant Daniel Florendo pero batay sa imbestigasyon ay hindi armado si Ragos kaya kinasuhan ng NBI death investigation division ng reklamo para sa murder, pagsinungaling habang suma­ilalim sa panunumpa, at pagtanim ng ebidensiya laban kay Florendo.

Kinasuhan din ang ilang police trainee na nagbantay rin sa nasabing checkpoint. Kaya tumanggap ng matin­ding batikos si Sinas dahil sa hindi patas na pagpapa­tupad ng batas. Ano rin ang nangyari sa kaso ni Florendo kahit malakas ang ebidensiya laban sa kanya?

Kinusuhan si Sinas at 18 opisyal noong Mayo dahil sa paglabag sa lockdown. Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, hindi mababasura ang kaso laban kay Sinas kahit siya na piniling bagong PNP chief. Karapatan din umano ni Pangulong Duterte na mamili ng karapat-dapat na PNP chief at hindi na kailangang magpaliwanag sa kanyang pinipili.

Marami ang nagtataka kung bakit si Sinas na may kaso pa nga ang pinili kung may mga mas mataas pang heneral sa PNP tulad ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar. Ganun nga talaga ang buhay. Depende kung sino ang gusto ni Duterte at walang kinalaman ang ranggo sa PNP.

May anim na buwan si Sinas bilang PNP chief. Bigyan daw ng pagkakataon. Tingnan na lang natin kahit may pag-aalala na ang ilang grupo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with