GAB chair Mitra, nagpabaya vs online sabong?

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2020 - 12:00am

Patuloy ang pagdadalamhati ng mga gamefowl breeders kahit pinayagan na sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) na puwede na silang magbukas ng kanilang pa-derby. Dapat magsaya na sila matapos ibando ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magpatuloy na sila sa liba­­ngan o bisyo nila na sabong. Subalit inaayawan ng gamefowl breeders ang ilang alituntunin ng IATF, lalo na ang pagbabawal ng live streaming sa sabong at ang hindi pagpapasok ng miron o mananaya sa mga sabungan.

Ang komento tuloy ng mga kosa kong gamefowl bree­ders ay itong guidelines ng IATF at pabor sa online sabong, na patuloy din namang nag-ooperate kahit malakas pa sa hangin ng bagyong Rolly ang pagsisigaw ni Lorenzana at Cabinet Secretary Karlo Nograles na bawal pa ang ope­ration nila sa pangambang maging dahilan sila sa pagkalat ng COVID-19.

Bakit tahimik si GAB chairman Abraham Mitra sa pa­tuloy na operation ng online sabong eh dapat saklaw niya ito? Bakit hindi mautusan ni Mitra ang kapulisan na pag­huhulihin ang online sabong na hindi pinapansin itong kautusan nina Lorenzana at Nograles na bawal pa sila? Magkano ba? Dipugaaaaa!

Kaya balak ng tropa ni FIGBA president Ricardo Pal­mares Jr., na mag-apela sa IATF na luwagan nang kaunti ang guidelines nila at payagan na may mananaya na makapasok sa mga sabungan. Nangako ang FIGBA na ma­ging istrikto sila sa pagpatupad ng social distancing at ilan pang health protocols ng gobyerno ni President Digong para maiwasang magkalat ang virus sa mga sabungan.

Kasi nga kung walang mananaya, paano mailalarga ang isang sultada kung hindi parehas ang taya ng magkalabang manok? Eh pahirap ito sa mga may-ari ng sasabungin kung malaki ang diperensiya ng pusta, ‘di ba mga kosa? Samantalang, kung may mga adik sa sabong sa loob ng sabungan, puwede silang tawagan para tumaya at mailarga ang bawa’t sultada. Dipugaaaa!

Marami sa mga kosa ko na may-ari ng sabungan ang sumubok magbukas subalit dismayado sila sa kinalabasan nito. Lugi sila ‘ika nga. Noong wala pa kasi itong pandemya, ang entrance fee sa mga sabungan kapag may derby ay aabot sa P1,000 at ang pinakamura ay P500. Kapag may tiket, may share dito ang barangay, LGUs at probinsiya. Ang kita naman ng management ay ang 10 porsiyento ng taya kada sultada at dito kinukuha ang suweldo ng mga empleado ng sabungan pati ang prize money sa mananalo sa derby. Dipugaaa! Abangan!

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with