^

PSN Opinyon

Sunud-sunod naman ngayon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL din tayong hindi nakaranas ng ganitong lagay ng panahon. Pero mga buwan ng Oktubre at Nobyembre nga pumapasok ang malalakas na bagyo. Nauna na si Quinta na rumagasa sa Albay. Higit 100 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin. Tumahak patungong Mindoro bago tulu­yang lumabas sa bansa.

Wala pang isang linggo at ito na ang bagyong Rolly. Mas malakas na may dalang hangin na higit 200 kilometro bawat oras ang lakas. Pinakamalakas para sa taong ito. Sa Bicol region din unang nag-landfall at ayon sa direksyon ng pagtahak ng bagyo ay madaraanan ang Metro Manila. Kaya ilang beses naglabas ng babala ang gobyerno na mag­handa na para sa bagyo. Sa pagsusulat nito ay hindi pa dumaraan si Rolly.

 Naglabas din ng babala ang PAGASA na baka magpakawala ng tubig ang Ipo dam sa posibilidad na umapaw dahil sa ulan na dala ng bagyong Rolly. Ganun din ang babala para sa La Mesa dam. Malayo pa naman ang lebel ng pag-apaw ng Angat dam, ang pinagmumulan ng tubig ng Metro Manila. Parang kailan lang ay nangamba ang gobyerno sa baba ng lebel ng tubig ng Angat.

Iba na ang sitwasyon ngayon. Dalawang uri ng panahon nga naman ang nararanasan ng bansa, tag-init at tag-ulan. May nakasunod ngang bagyo kay Rolly, na hindi pa nabi­bigyan ng pangalan ng Pagasa. Tatlong magkakasunod na bagyo. Epekto na ba ito ng La Niña?  

 Ano kaya ang magiging epekto ng malakas na bagyong ito sa dolomite beach ng Maynila? Ito na siguro ang pagsubok kung hindi nga maanod ang dolomite kung sakaling magkaroon ng storm surge sa Manila Bay. Sa kabila ng matinding kritisismo sa “white beach”, sana nga ay hindi ma­anod dahil masasayang lang ang milyun-milyong ginastos para rito. At hindi pa natin pinag-uusapan ang basura na maaaring madeposito muli sa Manila Bay dahil sa bagyo.

 Sana ay hindi malaki ang magiging danyos ng bagyo. Kasalukuyang may pandemya pa kaya hindi kailangan ng karagdagang problema. Sana ang bagyong nakasunod sa Rolly ay mahina lang, at huli na para sa taong ito. 

vuukle comment

PAGASA WEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with