^

PSN Opinyon

Sampal sa Ombudsman

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa hindi masawata at talamak na korapsiyon sa pamahalaan, nagtayo na si Presidente Duterte ng isang “mega task force” sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) na magsisiyasat sa lahat ng mga nangyayaring katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Saklaw ng task force na ito ang buong byurukrasya.

Sa tingin ko lang, ito ay malaking dagok sa Ombudsman na siyang dapat magsiyasat at umusig sa lahat ng tiwaling tauhan ng pamahalaan. Naalala ko pa ang panu­kala mismo ni Ombudsman Samuel Martires na alisin na ang lifestyle check na isinasagawa sa mga opisyal ng gob­yerno na pinaghihinalaang nandurugas sa kaban ng bayan.

Katuwiran niya, kung ang isang opisyal ay may mga ari-arian tulad ng mansion at luxury cars, puwede naman daw na ito’y pinag-ipunan ng pinaghihinalaang opis­yal. Para bang sa umpisa pa lang ay idinidipensa na ng Ombudsman ang mga tiwali sa loob ng gobyerno.

Ang naturang task force na pinamumunuan ni Justice Secretary Menardo Guevara ay siya ring nagsiyasat sa katiwalian sa PhilHealth pero ang gawain nito ay pina­lawak pa ng Pangulo upang sumaklaw sa lahat ng ahen­sya ng pamahalaan gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinasabing talamak sa katiwalian.

Umm, gaano kaya ka-episyente ang mega task force na ito? Ayon sa Pangulo, makakaasa ang taumbayan na sa darating na mga araw, makakabalita tayo ng mga sus­pension ng mga opisyal na sasailalim sa pagsisiyasat nito. Harinawa. Ang pagsugpo sa corruption at droga ay nangu­nguna sa agenda ng Pangulo na malapit nang matapos ang kanyang termino.

Dapat lang, magtagumpay siya sa kanyang inilatag na agenda sapul pa nang siya’y nangangampanya pa lamang sa pagka-Presidente dahil Iyan ang magiging sukatan kung siya ay naging epektibong Pangulo o hindi.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with