^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tutukan din ng DOH ang dengue

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tutukan din ng DOH ang dengue

ABALA ang Department of Health (DOH) sa COVID-19 at hindi na napagtutuunan ng atensiyon ang iba pang sakit gaya ng dengue na lumalaganap ngayong panahon ng tag-ulan. Kung deli­kado ang COVID, delikado rin ang dengue na hatid ng lamok kaya dapat nakapokus din dito ang DOH.

Sunud-sunod ang pagtama ng bagyo sa bansa na nagdudulot ng mga pagbaha. Kahapon, nana­lasa ang bagyong Quinta sa Bicol, Mimaropa at mga probinsiya sa Southern Tagalog. Nagdulot ito ng grabeng pagbaha.

Dahil baha sa maraming lugar, dito magsisimula ang pangingitlog ng mga lamok. Lahat nang mga lugar na may tubig ay pangingitlugan ng mga lamok. Paboritong pangitlugan ng mga lamok ang mga botel­yang walang laman, tinapyas na gulong ng sasak­yan, mga paso ng halaman, palanggana at timba at maski sa mga tansan. Lahat nang mga bagay na may nakaistak na tubig ay puwedeng pangitlugan ng mga lamok.

Mabilis dumami ang mga lamok na may dengue. Sa isang iglap, lilipad na ang mga ito at maghahasik ng lagim sa mamamayan. Karaniwang nabibiktima ng mga lamok ay mga bata. Ilang taon na ang nakararaan, maraming bata ang nagka-dengue at may mga namatay. May bakuna laban sa dengue – ang Dengvaxia subalit sa kasamaang palad, nagkaroon nang malubhang kontrobersiya kaya hindi na ito itinuloy sa bansa.

Ang mga sintomas ng dengue ay ang pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, maliliit at mapupulang pantal, pagtatae, pagsusuka at pagdurugo ng ilong.

Pinakamabisang paraan para makaiwas sa dengue ay ang paglilinis ng kapaligiran. Sirain ang mga pinaglulunggaan ng mga lamok. Alisin ang mga nakasampay na damit sa madilim na bahagi ng bahay. Itapon ang mga botelyang walang laman.

Gumamit ng kulambo para maproteksiyunan ang sarili. Pagsuutin nang mahabang manggas na damit o kaya’y pajama ang mga bata para makaiwas sa kagat ng lamok. Gumamit ng insect repelant.

Panawagan sa DOH na tutukan din ang dengue. Magtayo ng dengue centers sa mga ospital para mabilis ang pag-aksiyon sa mga pasyenteng may dengue. Malaki ang naging aral sa COVID kaya maaaring iaplay ang natutuhan sa sakit na dengue.

vuukle comment

DENGUE

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with