Ano ba ang tunay na sitwasyon?
AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Nasabi natin sa nakaraang kolum na pinag-iisipan na ng Department of Interior and Local Governments (DILG) na ipailalim sa tinatawag na “new normal” ang ilang bahagi ng bansa na humupa na ang kaso ng COVID pandemic.

Ngayon naman, sinasabi ng Malacañang na may namu­muong consensus ang mga local officials na palawigin­ pa ang General Community Quarrantine sa Metro Manila hang­gang katapusan ng Disyembre. Kaya nga maging ang mga opisyal ng pamahalaan ay nalilito kung bumu­buti na nga ba ang kalagayan o hindi.

Ang mga lokal na opisyal ang higit na nakababatid kung talaga bang nagkakaroon ng pagkalusaw ang pandemya, o ang pagbaba ng kaso ng COVID ay dahil lang sa pagsunod ng taumbayan sa mga health protocols. Ibig sabihin, kapag bigla tayong nagluwag sa mga ipinatutupad na panuntunan, may panganib na aarangkada muli ang pagkalat ng virus.

Importanteng maging normal na ang takbo ng mga negosyo alang-alang sa pagbangong muli ng ekonomiya. Kaya naguguluhan ang pamahalaan kung paano babalansehin ang pangangalaga sa kalusugan ng taumbayan at pagpapahintulot sa mga negosyo na mag-operate nang normal.

Sabi nga ni Spokesman Harry Roque, “what we are seeing right now is while Metro Manila is under GCQ, we have a wider reopening of industries and that is what we need because it’s part of our message to protect our lives so we can continue with our livelihood,” he added.

Totoo naman na bagamat nasa GCQ pa rin ang Metro Manila, malaki na ang iniluwag sa paggalaw ng tao. Pati mga mamamayang nasa edad na 18 hanggang 65 ay puwede nang lumabas. Napipilitan ang pamahalaan na gawin ito dahil hindi puwedeng patulugin ang ekonomiya sa matagal na panahon.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with