^

PSN Opinyon

Energy kailangan sa economic recovery

Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Huwag mag-alala dahil matatapos din ang pandem­yang kinakaharap natin na nagparalisa sa kabuhayan. Pero kasunod  niyan, higit nating kakailanganin ang ener­hiya sa pagbabangon ng ekonomiya. Bago pa nana­lasa ang COVID pandemic, kritikal na ang kakulangan ng ener­hiya. Mangangailangan tayo ng maasahan at sapat na supply ng kuryente sa mga darating na panahon para iba­ngon ang nalugmok na ekonomiya.

Kailangang makapag-supply ng sapat na enerhiya ang energy sector para sa milyun-milyong kabahayan,  industriya at negosyo kapag nagbalik tayo sa normal. Ang karbon o coal ay episyenteng mapagkukunan ng elek­tri­sidad. Kaso, may mga grupong tutol dito. Kaya tuloy napi­­pilitan ang mga kompanya ng kuryente at kooperatiba na bumili ng mahal na liquified natural gas (LNG) para hindi tayo kapusin ng elektrisidad.

Sa prangkisa ng mga power distributors gaya ng Meralco, obligado silang magbigay ng murang kuryente. Iyan ang dahilan kaya dapat tuluy-tuloy ang pagtatayo ng mga episyente at makabagong planta. Ayon kay Alfonso Cusi, kalihim ng Department of Energy, ang “technology neutral approach” ang mabisang paraan para tugunan ang lumalaking demand sa energy.

Sabi ng iba, panahon nang gumamit ng renewable energy source tulad ng solar.  Ayos sana iyan kaso, hindi pa kayang tugunan ng mga renewable sources ang mala­king demand ng bansa sa elektrisidad. Kung susuriin, hindi coal ang nagpaparumi sa kapaligiran kundi ang mga generator at kandila na ginagamit kapag may blackout. Isa pa,  ang mga solar panel ay hindi makakapagprodyus ng enerhiya sa gabi, kapag umuulan o kapag maulap ang kalangitan.

Ang mga wind turbine naman ay di rin makakagawa ng enerhiya kapag walang sapat na hangin.  Kung gagamitan ng mga baterya ang renewable sources na ito ay mas lalong magmamahal ang kuryente dahil napakamahal ng malalaking baterya.

Kailangan din ng malawak na lupain ang mga solar farm para makagawa ng sapat na enerhiya. Ang paggamit ng malawak na lupain para itayo ang mga solar plants ay magiging sanhi para mawalan ng sasakahing lupa ang mga magsasaka at Pilipino na umaasa para sa kanilang ikabubuhay.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with