^

PSN Opinyon

Survival

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Umabot na sa 7,515, 841 ang COVID cases sa United States at 213,024 na ang namatay.

Tumataas ang bilang ng COVID-19 cases at deaths sa buong mundo na sa huling tala ay nasa 34,484,731 at ang mga namatay ay 1,027,661.

Ikinabahala ang muling pagtaas ng bilang ng COVID cases mapasaanman sa mundo at naging dahilan sa pagsara nang maraming negosyo pati na ang nasa airline at travel industry at maraming iba pa.

At ayon sa aking nakikita, napakahirap ng health crisis at economic storm na dala ng COVID-19.

Higit sa lahat nangyayari ito sa sarili nating bansa na ang pahiwatig nito ay ang pagtanggap natin sa sitwasyon na nasa “survival mode” tayo ngayon. Kung paano natin malampasan ang COVID-19.

Huwag muna tayong mangarap at magplano ng long-term dahil ang higit sa lahat ay kung paano natin malalampasan ang COVID-19 crisis.

Ngunit sa kung saan tayo ngayon sa buhay, ang mahalaga ay magdasal tayo ng taimtim na sana matapos na ang pandemyang ito.

Lahat ‘yan ay nasa kamay ng Diyos.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with