^

PSN Opinyon

Opisina laos na ba sa bagong normal?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Ang mga unang opisina ay sa mga ahensiya ng gobyerno. Namasukan na customs clerks sina rebolusyonaryong Andres­ Bonifacio sa Maynila at nobelistang Nathaniel Haw­thorne sa Massachusetts. Bagot na bagot si makatang Charles Lamb sa mala-gobyernong East India Company sa London. Ang malalanghap lang ay hangin na nakakulong sa apat na pader, liham niya sa kaibigang magbubukid. Ganunpaman tumagal siyang clerk nang 33 taon mula 1822. Nang sa kinalaunan ay obligahin sila mag-sign in at out sa pagpasok o pag-alis at tuwing 15 minutos na pagitan, uma­ngal siya na istorbo ito sa pagbabasa niya ng diyaryo.

Nauna ru’n sa Rome hindi nag-oopisina ang mga eskribo. Tulad ngayon bitbit lang nila ang tablets (bato) at styluses (balahibo). Ugali ng mga sinaunang Romano ang paglilibang o “odium”, imbes na trabaho o “negotium” (negosyo). Nu’ng 110 AD naikuwento ni abogadong Pliny the Younger kay historian Tacitus na minsan imbes na magsulat siya sa palasyo sinasabayan niya ito ng liwaliw – pangangaso ng oso sa gubat.

Nu’ng 20th century nagtayuan ang mga opisinang skyscrapers (kumakayod sa langit). At nu’ng 2001 pinabagsak ni Osama bin Laden ang dalawa sa pinakamataas sa America.

Bago ‘yon nauso sa Kanluran ang work-from-home. Mas mura’t mas maraming nagagawa kaysa makipagram­bulan­ sa public transport papasok at puro miting lang sa opisina. Sa librong “Rich Dad, Poor Dad” pinayo nina Robert Kiyo­saki at Sharon Lechter sa mga negosyante na gawing work­place ang dining table sa bahay para ‘di malustay ang tubo.

Sa mundo simula 2014 parami nang parami ang work-from-home. Sino ba naman ang mag-aakala na pabibilisin ng pandemya ng 2020 ang paglipat ng opisina sa bahay-bahay. Ito na raw ang bagong normal maski lumipas ang COVID-19. Sa ilang taon makikita natin kung totoo nga ito.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with