^

PSN Opinyon

Huwag tayong mawalan ng pag-asa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nasa ika-anim na buwan na tayo ng mabigat na krisis­ na dinaranas ng buong daigdig at wala pang nababanaag na palatandaang huhupa na ang pandemia sa COVID-19. Oo nga’t may mga pagtatangka ang pamahalaan na luwa­gan unti-unti ang ipinaiiral na community quarantine, su­balit ang mga lumalabas na datos araw-araw ay ipinaki­kitang tumataas ang bilang ng mga dinarapuan ng ka­ram­daman.

Pero ang paglilinaw ng Department of Health, mas ma­bilis at episyente na ang isinasagawang testing at contact tracing kaya sa paningin ng publiko, dumarami ang kaso ng mga nagpopositibo.

Dahil marahil dito kung bakit halos anim sa bawat sam­pung­ Pilipino ang naniniwala na may darating pang mas malubhang sitwasyon. Ito ay batay sa isinagawang survey­ ng Social Weather Station (SWS) noong Hulyo 3 hanggang 6 ng taong ito.

Halos kalahating taon na ang pandemya sa buong daigdig kaya siguro nawawalan ng pag-asa ang maraming­ kababayan natin at mahigit na sa limampung porsyento­ ang “pessimistic” o nawawalan ng pag-asa sa sitwa­s­yon­. Nahigitan ng bagong survey ng SWS ang resulta no­ong Mayo na nagpapakitang 47 porsyento lang ang nawa­­walan ng pag-asa.

Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang mapang­haha­wakan nating batayan para hindi tayo masiraan ng loob ay ang katotohanan na base sa mga estadistika sa buong mundo, napakakaunti ng mga namamatay sa sakit na ito at mas nakararami ang nakaliligtas.

Naniniwala ako hanggang ngayon na bagama’t totoo ang sakit na COVID-19, ginagamit itong panakot ng mga may kapangyarihan sa daigdig para maligwak ang ekonomiya ng mga maliliit na bansa upang sila ang maka­paghari. Ngunit kung nasa panig natin ang Diyos, wala tayong dapat katakutan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with