Lorenzana, biglang kambyo sa issue ng West Philippine Sea
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2020 - 12:00am

Nagkasundo raw sina Presidente Duterte at ang duma­dalaw na Chinese defense chief Wei Fenghe sa kahala­gahan ng isang code of conduct sa South China Sea upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Tingin ko, isa lamang itong diplomatikong pahayag na mahirap matupad. Si Wei ay dumating sa Maynila bilang bahagi ng kanyang opisyal paglalakbay sa Southeast Asia.

Ngunit nauna rito, tahasang sinabihan ni Defense Sec­retary Delfin Lorenzana ang dumadalaw na Defense Mi­nister ng China na ang anumang aktibidad ng Tsina sa karagatang may territorial rights ang Pilipinas ay hahad­langan ng Hukbong Pangkaragatan ng ating bansa. Ma­rahil, dahil sa diplomatikong dahilan, binawi ang pahayag ni Lorenzana.

Sa binawing statement, sinabi ni Lorenzana na ang Pili­pinas ay patuloy na magpapatrulya sa pinagtatalunang rehiyon alinsunod sa isinasaad ng Permanent Court of Arbitration na nakabase sa The Hague. Ani Lorenzana, tatalima ang Pilipinas sa nakasaad sa ruling “without any possibility of compromise or change.”

Malaon nang nagtutunggali ang Pilipinas at Tsina dahil sa ‘di mapigil na aktibidad ng China sa bahagi ng karagatang may territorial rights ang Pilipinas. Ang arbitral ruling ng UN Tribunal na nagkukumpirma na ang West Phi­lippine Sea ay tunay na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ayaw kilalanin ng Tsina.

Tinatakot ang mga Pilipinong mangingisda sa na­bang­git na rehiyon at ni hindi makapagpatrulya ng maayos­ ang ating mga awtoridad dahil sa panduduro ng Tsina. Iginigiit ng Tsina ang kanilang “historical rights” sa naturang rehiyon ng karagatan.

Ngayong sinasabing nagkasundo na ang dalawang bansa sa pagtalima sa isang code of conduct, makakaasa ba tayo na matutuldukan na ang problema? Maganda na sana at naninindigan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa karapatan natin sa West Philippine Sea. Kaso, binawi ang palabang pahayag.

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with