Panahon na
K KA LANG - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2020 - 12:00am

Nakakapanibago ang naririnig natin mula sa mga opis­yal ng gobyerno na alam nating sumusunod sa yapak ni President Duterte kapag China ang pinag-uusapan. Binatikos ni Defense Sec. Lorenzana ang pahayag ng China na itigil na ng Pilipinas ang mga ilegal na pangha­hamon sa kanila.

Ito ay matapos lumipad ang ating mga eroplano sa may Panatag Shoal. Iginiit ni Lorenzana na nasa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ) ang Panatag Shoal kaya may karapatan tayong lumipad sa lugar. Ang China ang dapat tumigil na sa pagbanta sa mga piloto natin dahil sila ang wala sa lugar sa pag-aangkin ng Panatag.

Nagsampa rin ng protesta ang DFA sa China dahil sa pagkumpiska ng mga kagamitang pangisda ng mga Pili­pino noong Mayo. Hindi pa alam kung ibinalik ang mga ito. Matagal ko nang binabanggit ang patuloy na pag­banta ng China sa ating mga piloto, maging militar o sibilyan na eroplano. Hindi rin pumayag si DFA Sec. Teddy Locsin na maglagay ng tauhan ang Philippine Coast Guard sa Beijing dahil tila binibigay na ang soberenya ng karagatan sa China.

Nais din ni Locsin na ipagbawal ang mga kompanya na gumawa ng mga artipisyal na isla sa Soutb China Sea na gumawa ng mga proyekto sa Pilipinas. Ang proyektong palakihin ang paliparan sa Sangley Point sa Cavite ay pina­ngungunahan ng isang kompanya na ipinagbawal na ng Amerika dahil sa nagbanggit na dahilan. Bakit nga na­man sila pa ang gagawa ng paliparan kung umaalma nga tayo sa mga nilikhang isla sa karagatan? Pero sa tingin ko hindi kakanselahin ni Duterte ang kontrata sa China Communications Construction Co. (CCCC) sa kabila ng hiling ni Locsin.

Panahon na nga para sa pagtulak sa mga walang batayang pag-aangkin ng China sa buong karagatan. Marami na nga sila nalikhang isla na maliwanag ay para sa gamit-militar. May mga sundalo pa tayo sa Ayungin Shoal na nangangailangan ng mga suplay na kadalasan ay hinaharang o ginugulo ng Chinese Coast Guard.

Gawing madalas na ang paglipad sa Panatag Shoal at iba pang lugar na nasa loob ng ating EEZ. Hindi lang naman tayo ang tumutulak sa China ngayon. Ang matagal na nating kaalyadong mga Amerikano, kahit tila ayaw ni Duterte, ang madalas na ring lumalayag sa South China Sea. Bagay na dapat nating pakinabangan at pasalamatan.

CHINA PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with