^

PSN Opinyon

Hinahanap na ng Pasig police si ‘Boy Tocino’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nahuli na noong Nobyembre 2019 ng Pasig police si Jonathan Malong Reyes alyas “Boy Tocino’’ at nabilanggo. Subalit makaraang makalaya dahil sa piyansa, nag-umpisa na naman siyang mambiktima.

Ang BITAG ang nagbinyag sa kanya ng “Boy Tocino”.

Bininyagan namin siyang “Boy Tocino” dahil nangi­ngikil siya ng P5,000 at 1 kilo ng tocino sa kanyang dating­ kasintahan.

Matapos makipaghiwalay ang kasintahan, ipinakalat ni Boy Tocino ang litrato at video ng kanilang pagtatalik.

Itinitigil lamang niya ang pagpapakalat sa tuwing mag­babayad ang biktima ng pera at tocino.

Nakasuhan ng kasong extortion at paglabag sa R.A. 9262 si “Boy Tocino”.

Subalit noong mga panahong ‘yun, ang kanyang kasalukuyang GF ay pinyansahan siya upang pansamantalang makalaya.

Ang siste, siya naman ngayon ang biktima.

Kung anong ginawa ni Boy Tocino sa una niyang biktima ay ‘yun din ang ginawa sa kanya ngayon.

Sa galit kasi ni Boy Tocino sa kasalukuyang GF na nakipaghiwalay sa kanya, ipinadala niya ang mga private photo at video sa mga kamag-anak ng biktima.

Ang kondisyon para tumigil daw si Boy Tocino, magbigay ng P5,000 at 1 kilo ng tocino.

Delikadong nasa labas ng kulungan si Boy Tocino. Paulit-ulit ang ginagawa niyang pambibiktima.

Kaya muling nagkasa ng patibong ang Pasig Police para mabitag si Boy Tocino para tuluyan nang manatili sa kulungan.

vuukle comment

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with