Time out muna!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

ITO ang panawagan ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas sa Western Visayas Inter-Agency Task Force COVID-19 Implementors. Kasi nga si Capiz Governor Estevan “Nonoy” Contreras ay nagpositibo sa COVID-19 at maging ang Capiz Provincial Administrator ay ganundin. Sa nakalipas na mga araw mahigit 13 katao ang tina­maan ng COVID at isa ang namatay kaya puspusan nga­yon ang contact tracing sa mga nakahalubilo ni Gob. Con­treras at ni Prov. Administrator Monares.

Halos nagsisiksikan na rin ang isolation room sa Roxas Memorial Hospital kung kaya ang palahaw ni Mayor Da­divas na itigil muna ng kahit na 14 days ang pagpapapasok ng mga local stranded individuals sa lalawigan dahil kapos na sila sa pasilidad para harapin ang mga nahaha­wahan ng COVID-19. May katuwiran naman si Dadivas na tumawag ng time out sa pagpapasok ng OFWs at LSIs dahil talagang kapos sila sa budget.

Kamakailan nga nagbanggaan ang mga local officials units ng Capiz at Iloilo sa paghihigpit sa kanilang mga border kaya ang naapektuhan dito ay mga negosyante. Hindi naman kaila na ang sentro ng negosyo ay ang Iloilo City kaya nang higpitan ang border ay nangalugi ang mga negosyante ng seafoods at isda dahil hindi mailuluwas sa Metro Manila ang kanilang mga huli. Paano nga naman maibebenta ang seafoods at isda gayung lockdown ang fish port ng Roxas particular ang Libas Fish Port dahil nagkaroon ng local transmission ng COVID-19 sa mga biyahero at maging sa residente.

* * *

May natanggap akong balita na ang Panay Electric Company ay sinabihang irespeto ang itinakda ng batas. Bagamat may legal remedies, pinayuhan umano ng Distribution Utility na More Electric and Power Corp (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respe­tuhin at sundin ang itinakda ng batas sa harap na rin ng patuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang power firm.

Nakatakdang magpalabas ng desisyon ang Supreme Court sa legalidad ng inihaing expropriation case. Parang problema lang sa COVID-19 ang bangayan ng dalawang kompanya, Kasabay nito ang pagkastigo ni More Power President and CEO Roel Castro sa ipinalalabas ng kampo ng PECO na may bias ang mga RTC Judges at SC sa More Power kaya naman pumapabor ang desisyon nito sa kanila, Iginiit ni Castro na ang mga desisyon ng korte ay nakaayon sa facts habang objective at independent ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba sa mga kasong hawak nito. Ipinaliwanag ni SC Spokesman Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyon ng pagiging bias ng SC. Aniya, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado at ang desisyon nito ay nakabase sa majority vote at laging nakaangkla sa facts, applicable laws at current jurisprudence.

Disyembre 11, 2018 nang bigyan ng 25 taong legislative franchise ng Kongreso ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO, Pebrero 14, 2019 nang isabatas ito ni President Duterte nang lagdaan ang Republic Act 11212. Sa desisyon ni Ilolilo Regional Trial Court Branch 23 Emerald Requina-Contreras sinabi nito na nang mag-expired ang prangkisa ng PECO noong Enero 19, 2019 ay wala na itong legal ground para kuwestiyunin ang batas, kasunod nito ay iniutos na ng korte ang writ of posession para ilipat ang distribution system assset ng PECO sa More Power hindi bilang pagbibigay pabor sa bagong franchisee kundi para matiyak na hindi mapuputol ang pagbibigay serbisyo sa mga consumer.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with