^

PSN Opinyon

Buhay pa, pero gusto nila, now na!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“Music to the ears” siguro para kay Vice President Leni Robredo noong marinig o nalaman niya ang sinabi ni Senator Ping Lacson na, “Vice President Leni, be ready!”

Be ready for what? Maghanda nang pumalit at umupo bilang bagong Pangulo ng Pilipinas kapag may nangyaring ‘di inaasahan kay President Rodrigo Duterte. Kagaya na lamang ng salitang “incapacitated.”

Ibig sabihin, wala nang lakas, hindi na kayang gampanan ang responsibilidad at tungkulin sa kanyang posis­yon na ginagampanan. Ang dahilan ay matinding karam­daman.

Tama naman si Senator Lacson sa kanyang sinabi na kapag may nangyari sa Presidente, ang Bise Presidente ang uupo. Napapaloob ito sa Saligang Batas.

Malupit mang sabihin pero para sa mga atat na atat na, humihiling na mangyari ito sa lalong madaling panahon.

Masama, subalit ganitong mag-isip ang mga naiinip na.

Hindi natin hawak ang kanilang pag-iisip. May karapatan­ silang mag-isip, mag-ambisyon, umasa at managinip.

Sabi nga ni Senator Lacson, maaaring pinagdarasal pa na ng iba na maisakatuparan na ang kanilang inasahan at inaasam-asam. As in now na!

Pero take note, ayon sa pahayag ni President Duterte kamakailan, kapag hindi siya tumigil sa pag-inom ng alcohol, lalala ang kanyang karamdaman sa lalamunan. Maa­ari itong mauwi sa cancer stage 1.

Pansinin ang salitang “kapag.” Ang ibig sabihin, nasa desisyon ng Presidente kung tumigil o hindi.

Kung gusto ba niyang lumala ang kanyang karamdaman o hindi.

Ang siste, ‘yung ibang atat na ata, kasi malala na raw ang sakit ng Presidente. Tsismis nga naman ano?

Ikaw ba naman, gawing national past time o pambansang libangan na ang usaping pulitika sa Pinas. Kaya sige ang es-es (S-S) ng ilan lalo ng mga kontrapelo sa isyu.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with