Anomalya sa foreign assisted projects
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2020 - 12:00am

ISINUMBONG ng isang Filipino-Chinese contractor kina President Duterte at Senate President Vicente Sotto III ang umano’y nagaganap na katiwalian sa mga foreign-assis­ted projects ng gobyerno. Sa mga liham na ipinadala ng isang nagpakilalang Jingxy Fu, ng China Gezhouba Group Corporation Limited, na may tanggapan sa High South Corporate Tower, 26th St., corner Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City, sa Office of the President noong Hulyo 16, 2020 at sa tanggapan ni Sotto, noong Hulyo 20, 2020, sinabi nito nais niyang ipabatid sa mga naturang opisyal ang nagaganap na “severe syndication and corruption” sa foreign assisted projects ng DPWH.

Partikular na tinukoy nito ang Rio de Grande Minda­nao project na nagkakahalaga ng P30,322,381,952.44 na halaga ng foreign loan. Nagpapakilalang mataas na opisyal umano ng  CESO 1 for UPMO Operational and Technical Services of DPWH at kasabwat na manda­rambong ang nasa likod ng  syndication and illegal contracting of the foreign projects. Ang mataas na opisyal at parner nito ang  “accountable in pursuing the Chinese embassy to be repeatedly recommending their contracted­ bidder because he will receive a 15% kickback that is delivered in his main office and to be received by his “Partner­,” sumbong ni Fu. “He is granted the power to do this which is why he is confident by the DPWH Sec. Mark Villar, Mr. Escandor, Presidential Son Paulo Duterte and Mr. Jacky Pong of the POGO Industry,” pahayag pa ni Fu.

Sa isang pre-bidding, nilapitan umano sila ng Sinohydro Corp. of China at sinabihan na ang proyekto ay para sa China Geo and China State Construction Company dahil naglabas na sila ng 2% na cash advance para rito. Inimpormahan pa umano sila na ang lock-in fee nito ay 15% ng halaga ng proyekto kaya labis anila ang kanilang pagsisisi na nagbayad sila ng P300 milyon sa tanggapan ng mataas na opisyal.

Hiniling niya sa Presidente at senador na maimbestigahan ang isyu. “Dear senator we ask for your help to investigate this matter because the ODA BARMM Projects is for their favored Chinese engineering firms,” hiling nito. “There is definitely no transparency in this project even if it is a loan that will be paid by the Filipino people and yet the persons involved are rejoicing because of the amount that they will receive,” aniya pa. Nabatid na naka-attached din sa liham na ipinadala ni Fu sa tanggapan ni Sotto  ang mga ebidensiya ng sinasabi niyang korapsiyon na nagaganap sa proyekto.

President Digong at Senate President Sotto Sir, pakiimbestigahan ang reklamo ni Fu. Sa panahon ngayon na sadsad na ang ikonomiya ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic, nararapat lamang na aksyunan ito upang ang proyekto ay mapabilis bilang pagtalima sa “Build-Build-Build” program nang mapakinabangan ng taumbayan.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with