Tumataas na rin ang bilang sa mga probinsya

Noong simula ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay medyo sa Metro Manila at Luzon lang lahat naka-concentrate ang confirmed cases ng COVID-19 hanggang sa paisa-isang nagkaroon na rin sa ibang isla ng Pilipinas gaya ng Visayas at Mindanao.

Ngunit nitong mga huling araw ay pumapalo at humahabol na rin sa paramihan ang mga key cities gaya ng Cebu. Zamboanga at maging ang Davao City at mga karatig probinsya nito sa bilang ng confirmed cases.

Nakababahala na nga ang pagtaas ng bilang ng mga nag-positive lalo na ‘yung mga  nasa kanayunan na galing ibang bansa o yong mga tinatawag na mga locally stran-ded individuals (LSI) o yung mga returning overseas Filipinos (ROF) at minsan may mga local transmission cases din.

Nangangamba rin ang ating awtoridad na paano kung magkaroon tayo ng collapse ng ating hospital system sa buong bansa.

At noon ay nag-uumapaw ang mga donations kaliwa’t kanan ang nagbibigay ng ayuda para sa mga mamamayan at mga PPE sa mga frontliners ngunit ngayon ay medyo nagkandahirap na rin tayo sa supply na minsan nga ang mga PPE ay nilalabhan na lang at ilang ulit ginagamit maging sa Cebu at Zamboanga.

Halos pareho sila ng hinaing at wala na ngang PPE supplies para sa mga frontliners at sa mga ospital sa areas nila.

Gayun pa man, kailangan talaga natin ng matimtim na pagdarasal sa Maykapal na Siyang mas Makapangyarihan sa kung anuman sa mundo maging COVID-19 man.

Manalangin lang tayo at maniwalang lubos sa kapangyarihan ng Diyos na malampasan ng mundo itong pandemia ng COVID-19.

Show comments