^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lalaking lumabag sa curfew, hubo’t hubad na pinatakbo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lalaking lumabag sa curfew, hubo�t hubad na pinatakbo

MULA nang isailalim sa community quarantine ang maraming bahagi ng bansa dahil sa COVID-19, maraming bayan at lungsod ang nagpatupad ng curfew para maiwasan ang pagkalat ng virus. Kara­niwang alas diyes ng gabi hanggang alas singko ng umaga ang curfew. Ang sinumang lalabag ay huhu­lihin at pagmumultahin at ang iba naman ay magsa­sagawa ng community service.

At sa kabila na matindi ang paghihigpit sa curfew, marami pa ring lumalabag at karamihan sa mga ito ay kabataan na wala namang ginagawa kundi pakalat-kalat sa kalye. Ang mga menor-de-edad ay ipinagkakatiwala ng pulisya o barangay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ipatatawag naman ng DSWD ang mga magulang ng mga menor-de-edad at pangangaralan.

Nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Luzon noong Marso mas maraming nahuling lumabag sa curfew. Karamihan ay mga kabataan na naglilimayon at mga walang face mask. Hinuhuli sila ng mga barangay tanod at iniipon sa barangay hall at dun pinangangaralan at ang iba ay pinagmumulta. Pero sa kabila ng paghihigpit, marami pa rin ang lumalabag. Wala nang kinatatakutan ang mga pasaway. Hindi na kataka-taka kung patuloy ang pagtaas ng COVID cases sa kasalukuyan.

Maaaring napupuno at napupundi na ang mga barangay official sa paulit-ulit na paglabag sa curfew kaya mayroong gumagawa nang kakaibang parusa. Para marahil itanim sa kukote ng violator ang paulit-ulit nitong paglabag na parang nanloloko na.

Gaya nang ginawa ng isang barangay kagawad sa Maynila na sa halip parusahan nang naaayon sa batas ang nahuling lalaki dahil sa paglabag sa curfew, pinarusahan niya ito na tumakbo nang hubo’t hubad. Ayon sa kagawad, pinapili naman daw niya kung anong parusa ang gusto ng violator at pinili nito ay tumakbo nang hubo’t hubad.

Mali ang ginawa ng kagawad na paraan ng parusa. Dapat naaayon ito sa batas. Maaaring maharap sa kaso ang kagawad dahil sa paglabag sa karapatan ng inaakusahan. Hindi siya dapat naging marahas sa pagpaparusa.

vuukle comment

CURFEW VIOLATOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with