^

PSN Opinyon

Masyadong mabilis?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Kapag nagbabasa ako ng balita sa ibang bansa hinggil sa sitwasyon ng COVID-19, mas maraming bansa ang tila dumadami na naman ang bilang ng mga kaso, partikular ang mga bansa na binuksan muli ang kanilang ekonomiya. Ilang estado sa US ang nakararanas ngayon ng matinding pagsipa ng mga bilang ng kaso, tulad ng Florida, Arizona, Texas at California. Hindi nakakatulong ang mga pahayag ni Pres. Donald Trump tulad ng “99% of positive cases are totally harmless”. Hindi naman ito kinokontra ng kanyang mga eksperto sa kalusugan kaya natural, may mga naniniwala sa kanya at hindi na nag-iingat partikular mga sumusuporta sa kanya.

Isang bansa kung saan mataas din ang bilang ng kaso ay Brazil. Ganun din, tila minaliit ni Pres. Jair Bolsonaro ang COVID-19 at nagpatuloy sa kanyang mga rally na walang suot na mask. Ngayon, positibo na siya para sa COVID-19. Nagsusuot na ng mask ngayon. Si Trump ay hindi pa nagsusuot.

Sa Europe, ilang bansa ang nakakaranas din ng pagsipa ng bilang ng kaso. Isa na ang UK. Ganundin, tila masyadong mabilis binuksan ang kanilang ekonomiya.

Balik naman sa atin. Noong katapusan ng Mayo, nasa higit 2,000 kaso tayo paglabas mula sa mahigpit na quarantine. Ngayon, higit isang buwan matapos ang quarantine na iyan, nasa 50,359 na tayo. Halos dumoble sa loob ng isang buwan. Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ay positibo na rin pero nasa maayos na ang kanyang kalagayan.

Sinasabi ng DOH na kaya mabilis tumaas ay dahil mas marami na ang dumadaan sa testing, pati na rin dahil sa mga hindi sumusunod sa mga alituntunin hinggil sa kaligtasan mula sa COVID-19. May mga nakikita nga ako sa kalsada na mali ang pagsuot ng face mask kung saan nakalabas ang ilong. Kailangang maturuan ang lahat sa tamang pagsuot ng face mask pati ng physical distancing.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang naghigpit nang husto. Kahit ano pa ang sabihin ng mga mas maunlad na bansa diyan, epektibo ang lockdown. Ngayon, mga estado sa US na nabanggit ko ay pinasasara muli ang mga pampublikong lugar tulad ng mga bar. Pero iba rin kasi ang kultura ng Amerikano. Mahalaga sa kanila ang kanilang mga karapatan at kalayaan. Tingin nga nang marami sa lockdown ay labag sa kanilang karapatan at kalayaan kaya hindi sumusunod. Pati ang pagsuot ng mask ay paglabag rin umano. Dahil dito, hindi na muna tinatanggap ng European Union ang mga bisita galing US. Humina na nga nang husto ang pasaporte ng US.

Hindi ko maisip na ibalik ang Metro Manila muli sa ECQ o MECQ dahil sa mga negosyo at empleyado. Pero ganun pa man, hindi dapat maging kampante kahit kailan. Mabuti na lang at karamihan sa atin ay madaling sumunod. Magsuot ng mask, maghugas ng kamay, sumunod sa physical distancing sa lahat ng oras at kung maaari, manatili na lang sa bahay.

vuukle comment

COVID-19

EKONOMIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with