^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May dungis na naman ang PNP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May dungis na naman ang PNP

MAYROON na namang nadagdag na dungis sa Philippine National Police (PNP). At matindi ang dungis sapagkat bukod sa panggagahasa na ginawa ng dalawang pulis sa dalagitang biktima, pinatay pa nila ito. Sabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa, mga “hayop” ang dalawang pulis na dapat mabulok sa piitan. Nagpapatunay lamang ito na talagang hindi pa nawawala sa PNP ang mga bulok kahit pa nagsasagawa ng reporma si Gamboa.

Kahit mahusay ang pamumuno ng PNP chief, marami pa rin ang sumisira sa sariling organisas­yon. Ang mga ito ang naglulubog at naghahatid ng dungis. Ang pagkakaroon ng “dungis’’ ang dahilan kaya mababa pa rin ang imahe ng PNP sa paningin ng taumbayan. Hindi pa rin nawawala ang kanilang takot kapag nakita ang asul na uniporme ng pulis. Sa halip na humingi sila ng tulong sa mga ito, iniiwasan nila at baka abusuhin.

Sino naman ang hindi matatakot sa ginawa ng dalawang pulis sa Ilocos Sur na ang kanilang ginahasang dalagita na nagreklamo sa sinapit ay inaba­ngan at pinatay nila mismo.

Ang dalawang pulis ay nakilalang sina SSgts. Randy Ramos at Marawi Torda. Ayon sa report, ina­resto ng dalawang pulis ang dalagita at ang pinsan nitong babae dahil sa curfew. Pero sa halip dalhin sa DSWD sa isang bahay umano dinala ang dalawa at ginahasa. Makaraan ang panggagahasa, pinakawalan na umano ang dalawa.

Nagsampa ng reklamo ang dalawang menor-de-edad laban sa dalawang pulis. Habang papauwi ang dalawa makaraang magreklamo sa piskalya, dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa kanila. Napatay ang isa sa mga dalagita habang ang isa ay nakaligtas.

Positibong itinuro ng nakaligtas na ang dalawang pulis na nanggahasa sa kanila ang bumaril sa kanila. Nahuli ang mga pulis at umamin sa krimen.

Nang malaman ni General Gamboa ang ginawa ng dalawang pulis, galit na galit ito at nasabi na dapat mabulok sa bilangguan ang mga hayop.

Matinding reporma ang nararapat isagawa ni General Gamboa sa pinamumunuan niyang orga­ni­sasyon para pagtiwalaan at mahalin ng mamamayan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with