^

PSN Opinyon

Top cop ng Pangasinan at media, nagbabangayan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nahuli ang tropa ni Pangasinan provincial director Col. Redrico Maranan na mga residente na naglalamiyerda sa kalye at hindi sumusunod sa social distancing at mga walang face mask. 

Maganda na sana ang imahe ng kapulisan sa mga Panga­sinense subalit nawala lahat na parang bula matapos kumalat sa social media ang litrato ni Maranan, kasama ang ilang pulis, na magkadikit at hindi nakasuot ng face mask. Sa litrato makikita ang tropa ni Maranan na masayang naka-posing at nakangiti, matapos ang isang radio program, subalit ang face mask ay hawak-hawak. Kaya kung nagla­lamiyerda pa ang mga Pangasinense sa kalye, ‘yan ang naging dulot ng mensahe ng litrato ni Maranan sa kanila. At imbes na papuri ang tinanggap nila dahil sa accomplishments sa pagpatupad ng health protocols, puro tuligsa at pangungutya ang inabot sa netizens. Ang tanong ng mga residente sa ngayon, “Ano ang karapatan ni Maranan na manghuli ng mga hindi sumusuot ng face mask kung siya mismo at mga nakadikit niyang opisyales ay hindi pina­praktis ito?” Dipugaaaa!

Kung sabagay, hindi lang mga residente ang nagrereklamo laban kay Maranan kundi pati ang mga kasamahan ko sa media na mukhang iniisnab niya. Ayon sa mga kosa ko, dahil panahon ng COVID, hindi na sila makabiyahe para magsadya sa police HQs para sumilip sa mga spot reports ng mga insidente kaya nagpapa-email na lang sana sila. Subalit ipinagkait ito sa kanila ni Maranan. Kapag tina­wagan naman ito, ang sumasagot ay ang kanyang sekretarya at inaabot ng halos ilang oras. Dipugaaaa! Panis na ang balita pagnagkaganun, ‘di ba mga kosa?

Sa pagkaalam ko dapat magkatuwang ang pulis at media para labanan ang mga kriminal at upang panga­lagaan din ang kalusugan ng mga Pinoy sa panahon ng pandemya. At ang hidwaan nina Maranan at media sa Pangasinan ay hindi magdudulot ng maganda, ‘di ba mga kosa? Dipugaaaa! Kailangan na sigurong makialam si PRO1 director Brig. Gen. Jun Azurin sa problemang ito sa Pangasinan at baka pati siya ay madamay pa. Hala kilos na Gen. Azurin Sir! 

Naging hepe rin ng Marikina police si Maranan bago na-promote na PD ng Pangasinan at nagbangayan din sila ni Mayor Marcy Teodoro. Subalit maganda naman ang relasyon niya sa media. Nabago na ang ugali ni Maranan? Ano ba ‘yan! Abangan!

vuukle comment

SOCIAL DISTANCING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with