EDITORYAL - Hindi sana nag-relax agad sa Cebu
EDITORYAL - Hindi sana nag-relax agad sa Cebu
(Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2020 - 12:00am

Si President Duterte mismo ang nag-utos na maghigpit sa Cebu City dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases doon na umabot na sa 4,400. Inatasan niya si Environment Secretary Roy Cimatu na tingnan ang sitwasyon sa Cebu at gamitin ang COVID task force para mapigilan ang pagkalat ng virus. Inilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu. Napapailing ang Presidente nang mag-ulat sa bayan noong Martes dahil sa nangya­yari sa Cebu. Ayon sa report, maaaring malampasan ng Cebu ang Metro Manila sa dami ng COVID cases.

Nag-relax agad ang mga awtoridad sa Cebu at hinayaang maglimayon ang mga tao. Wala nang social distancing, mayroon nang hindi naka-face mask. Maraming magkaangkas sa motorsiklo. Mayroon din umanong nagdaraos ng party at kung anu-ano pang kasayahan doon. Hindi na marahil naghuhugas ng kamay o gumagamit ng alcohol.

Hindi pa dapat mag-relax ang mamamayan sa­pag­kat narito pa ang kalaban at nag-aabang nang makakapitan. Matindi ang kapit ng virus kaya dapat mag-ingat.

Huwag magkumpol-kumpol. Iwasan ang mga ma­tataong lugar. Isuot nang maayos ang face mask. Kapansin-pansin na may mga naka-face mask su­balit nakalitaw ang ilong at ang iba naman ay nasa dakong panga na nila ang mask. Mayroon namang nakasabit na lang sa taynga ang face mask.

May pagkukulang ang mga awtoridad sapagkat hindi na ipinatutupad ang paghihigpit lalo na ang pag-iinuman sa gabi. Kahit na may curfew mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, hindi ito naipatutupad. Bukod sa pag-iinuman, may mga nagkaka­raoke pa. Balik na rin ang pagkukumpulan at pag­tsitsismisan sa kalsada.

Hindi pa bumababa ang kaso ng COVID-19 at tumataas pa. Sinabi ng isang propesor sa University of the Philippines (UP) na maaari raw umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID bago ang Hunyo 30. Nagkakatotoo na ang kanyang sinabi sapagkat nasa 32,000 na ang COVID cases kahapon.

Kailangang sumunod ang mamamayan sa ipinag-uutos. Huwag munang maging kampante sapagkat patuloy pang kumakalat ang sakit. Huwag maging pasaway at balewalain ang health protocol.

CEBU PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with