^

PSN Opinyon

Tiklo ang tatay (Ika-2 bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

HINDI matahimik ang konsensiya ni Ria Medina, isa sa mga tao sa emergency room ng ospital ng mga sandaling dalhin doon ang batang si Ben. Naisipan niyang lapitan ang chairman ng isang organisasyon, si Atty. Medy Abarquez.

Matapos ang ilang linggong pagsasaliksik, nalaman ni Atty. Abarquez na umalis na sa bahay si Gary Joaquin, ama ng batang si Ben. Ang bangkay naman ng bata ay dinala sa punerarya kung saan isang doktor ang nagbigay ng sertipikasyon na ang ikinamatay nito ay broncho pneumonia dahil daw sa komplikasyon sa puso. Hindi na pinagawa ang awtopsiya sa bangkay dahil hindi na pinagawa ng babaing nagpakilalang ina ni Ben.

Nagpatulong si Atty. Abarquez sa NBI para mahukay­ ang bangkay ng bata. Lumabas sa pagsusuri na matinding pinsala ang tinamo ng bata na resulta ng malakas na puwersa at nagkaroon siya ng mga sugat pati pama­maga sa loob ng katawan. Sa bisa ng ulat ng NBI at sa sinumpaang salaysay ni Ria Medina at ibang ebidensiyang nakuha ni Atty. Abarquez, sinampahan ng kasong parricide si Gary. 

Makalipas ang apat na taon, naaresto si Gary. Itinanggi niya ang krimen. Gumawa ng kaso ang prose­kus­yon base lang sa sinumpaang salaysay ni Ria at sa testimonya­ niya sa korte tungkol sa lahat ng kanyang nakita at narinig. Sabi ni Gary, wala siya sa bahay nang mahulog sa hagdan si Ben. Ang tiyahin daw nito at hindi si Lola Salve ang nagkuwento sa pangyayari. Sakitin daw ang bata mula ipinanganak at madalas na maospital dahil nahihirapang huminga. Isinumite rin ni Gary ang death certificate ng bata kung saan ang nakalagay na sanhi ng pagkamatay ay broncho pneumonia dulot ng komplikasyon sa puso. (Itutuloy)

vuukle comment

RIA MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with