^

PSN Opinyon

Pulitika, umiiral sa San Juan sa gitna ng COVID!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Mahigpit na nanawagan si President Digong na isantabi muna ang pulitika at magkaisa ang mga Pinoy para labanan ang COVID-19 pandemic subalit mukhang hindi ito nangyayari sa San Juan City. Sa ngayon kasi, patuloy na nagbabangayan ang kampo nina Mayor Francis Zamora at Estrada clan na ang natatalo ay ang mga mamamayan. Ayon sa report, ang San Juan ang may pinakamataas na COVID cases per 1 million population. Walang kiming binabatikos ni dating Sen. Jinggoy Estrada si Zamora dahil sa pagpapatigil nito ng Rolling Store na proyekto ng anak na si Janella.

Si Janella, na kalaban ni Zamora ng nakaraang election ay nagbebenta sa Rolling Store na ang presyo ay kalahati kumpara sa merkado. Siyempre, dinudumog ito ng mga residente na kinakapos ng badyet kahit may ipinamudmod na ayuda ang gobyerno ni Digong. Pinipilit ni Zamora na magkaroon muna ng kaukulang permit ang Rolling Store bago ito lumarga sa 21 barangays na hindi nagustuhan ni Jinggoy. Nangangatwiran si Jinggoy na pinapairal naman nila ang lahat ng alituntunin ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at walang bahid ito ng pulitika. Subalit mukhang bulag, pipi at bingi si Zamora sa mga hinaing ng kalaban niya sa pulitika.

Si dating Sen. JV Ejercito naman ay nalulungkot dahil pinahinto ang pagbibigay nila ng food packs sa kapulisan. Si JV at nanay na si Guia Gomez ay kapwa nagsilbing mayor ng San Juan ng tatlong termino kaya minabuti nilang magpakain sa medical frontliners tuwing tanghalian sa gitna ng lockdown. Isinama ng mag-ina ang local PNP subalit makalipas ang ilang araw, inayawan ng mga pulis ang food packs dahil utos daw sa itaas. Araguuyyy! Ang tanong ni JV: “Bakit kailangang may pamumulitika lagi?”  Imbes na “kill the virus” eh mukhang “kill the political ene­my” ang nangyayari, aniya. “Hindi ito ang panahon ng pamumulitika at pagbebengga. Tulong na lang tayo ng hindi naka-on ang mga camera...” giit pa ni JV.

Abangan!

vuukle comment

COVID-19

DUTERTE

FRANCIS ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with