Mga dapat gawin kung mataas ang cholesterol

Ang normal na level ng cholesterol ay 200 mg/dl. Minsan nagkakamali ang mga laboratory sa blood test kaya huwag munang matakot kung lampas sa normal ang cholesterol level. Subukan munang magdiyeta at mag-ehersisyo. Pagkatapos ng 2 buwan, ipaulit ang blood test.

Narito ang mga dapat gawin kung mataas ang cholesterol:

Kumain nang tama – Subukan ang madalas na pagkain ng oatmeal, beans, monggo at gulay. Makababawas ito nang malaki sa cholesterol. Kung dati ay mahilig sa taba ng baboy, subukan naman ang taba ng isda. Iwasan ang pagkain ng cakes, pastries, croissant, ensaymada, mantikilya at cookies. Kung dati ay hilig ang fried rice, piliin ang bagong lutong sinaing.

Mag-ehersisyo – Ang pag-eehersisyo ng 3 hanggang 5 beses kada linggo sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras ay malaki ang maitutulong sa pagbaba ng cholesterol.

Subukan ang natural na gamutan – Ang pagkain ng bawang ay puwedeng makababa ng cholesterol ng 9 to 12%. Ang pag-inom din ng omega-3 fish oil supplements ay nakabababa ng triglyceride levels, isang klase ng taba sa dugo.

Gamot sa cholesterol – Kung pagkaraan ng 2 buwan na pagdidiyeta ay mataas pa rin ang cholesterol, puwede nang mag-umpisang  uminom ng maintenance na gamot. Ito ay ang mga generic na Simvastatin, Atorvastatin at Rosuvastatin.

Show comments