^

PSN Opinyon

Tigok sina Lolo at Lola (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Nagkasala si Leonard sa pagpatay sa mag-asawa base sa “circumstantial evidence” ayon sa Court of Appeals (CA). Hinatulan siya ng reclusion perpetua. Pareho ang naging hatol ng SC pero tinaasan ang pinababayarang danyos at ginawang P205,000.00. Ayon sa SC, sapat na basehan ang mga sirkumstansiya para mapatunayan na nagkasala ang akusado kung: (a) Higit sa isa ang sirkumstansiyang binanggit; (b) Ang katotohanan at mga sapantaha ay napatunayan; (c) Sa pagsasama-sama ng mga sirkumstansiya, walang pag-aalinlangan na napatunayan na ginawa nga ang krimen nang walang pag-aalinlangan. Dapat din na hindi naputol ang pagkakasunud-sunod ng mga sirkumstansiya at iisa lang ang magiging konklusyon, na ginawa ng akusado ang krimen at walang iba na gumawa nito.

Ito ang mga sirkumstansiyang nabanggit: (1) Hindi nakakapasok sa bahay ng mag-asawa si Leonard dahil tutol sila sa relasyon nito kay Jecel; (2) Noong gabi na mawala ang dalawa ay pareho silang nasa maayos na kalusugan; (3) Bigla na lang silang naglaho mula sa kanilang bahay nang gabi na nangyari ang krimen kaya ibig sabihin, pinatay sila ng gabing iyon o nang sumunod na umaga; (4) Noong gabi na mawala sila, nakita ng guwardiya sa katabing eskuwelahan na nakatayo sa gilid ng bakod sina Leonard at Tony. Sinubukan pa ng dalawang lalaki na magtago sa CR ng eskuwelahan. Nang sumunod na araw, napansin na ang putol na bakod; (5) Bandang alas singko ng umaga, narinig ng kapitbahay ang pananangis ng isang babae at ang kaluskos na parang pagkatay sa isang baboy;

(6) Pagbubukangliwayway, napansin ng isang testigo si Leonard na nakatayo sa kusina ng mga biktima; (7) Mula noon, lagi na si Leonard at mga kapatid na nakatam­bay sa bahay ng mag-asawa at suot niya (Leonard) ang relo ng lalaking biktima; (8) Napatunayan na nagsinungaling si Jecel tungkol sa kung nasaan ang mga umampon sa kanya at pinalabas pa nito na nagpagamot sa ibang siyudad ang ama-amahan; (9) May testigong nakarinig kay Leonard nang sabihin ng lalaki na dapat taniman pa nang mas maraming kamote ang tabi ng bahay ng mga biktima; at (10) Natagpuan ang katawan ng mga biktima sa ilalim ng mga tanim na kamote (People vs Efren Deocampo, G.R. 185212, February 15, 2012).

vuukle comment

CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with