Pinoy na nagka-anxiety dahil sa COVID, dumarami!
DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

HALOS isang milyon na ang apektado ng COVID-19 sa buong mundo subalit dito sa Pinas, imbes na magkaisa ay nagbabangayan pa ang mga Pinoy dahil lang sa pulitika. May mga nananawagan pang destabilization laban sa gobyerno ni Digong. Ano ba ‘yan? Habang mainit na nagdedebate ng mga Pinoy sa social media, hindi nila napapansin ang pataas nang pataas na bilang ng namamatay sa virus. Hindi lang ‘yan! Dahil sa gutom, mabilis maudyukan ang mga Pinoy na magprotesta sa kalye kahit may pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ). Isang halimbawa ay ang kaguluhan sa Quezon City na nagresulta sa pagkaaresto ng 21 katao. Araguuyyy! Kaya maraming Pinoy ang nagkaroon ng anxiety sa kasagsagan ng COVID subalit ayon sa World Health Organization (WHO) normal lang mag-alala sa panahon ngayon.

Ang mga Pinoy na nagka-anxiety ay ‘yung nag-iisip kung saan sila kukuha ng kasunod na kakainin, kasama na ang future ng kanilang pamilya. Sinabi ng WHO na nakakabawas sa anxiety ang pagbabahagi ng inyong karamdaman sa health experts. Kung nakakaramdam ng anxiety, sinabi ng WHO na maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa tel. 0917-899-USAP (8727) o 7-989-USAP (8727).

Nai-release na ni Digong ang bilyones na pondo para labanan ang virus subalit hindi naman ito makakarating kaagad sa beneficiaries dahil marami pang dadaanang ahensiya ng gobyerno o naglalaway na mga pulitiko. Araguuyyy! Kaya konting tiis lang mga kosa dahil kung ang mga food packs nga ay na-delay, tiyak mararanasan din n’yo ito sa cash assistance dahil sa red tape. Dito kasi makikita sa panahon na ito, kung magaling kayong pumili ng lider n’yo. Get’s n’yo mga kosa? Dapat iwasan na ang paghahambingan at pagkomentaryo nang maanghang dahil ang mga gobernador, mayors at barangay chairman ay hilong-talilong din sa pag-iisip kung paano makakatulong sa constituents dahil iniisip din nila ang kaligtasan at pamilya. Kaya stay at home lang habang inaayos ng mga lider ang pagbibigay ng tulong. Tiyak makakarating din ito sa inyo dahil pag hindi, magagalit sa kanila si Digong. Abangan!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with