^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga umaabusong pulis sa checkpoints, kastiguhin!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga umaabusong pulis sa checkpoints, kastiguhin!

Ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang katuwang sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso 16. Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang ipagbawal ang paglabas at pagpasok sa maraming bahagi ng Luzon. Tigil ang biyahe nang lahat ng pampublikong sasakyan. Maraming checkpoints ang inilatag para masigurong maipatutupad ang quarantine at nang hindi na kumalat ang virus ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, hindi lamang sa Luzon ginagawa ang paghihigpit kundi halos sa buong bansa na. Bawat bayan at siyudad ay may kanya-kanyang pag­hihigpit para hindi makapasok sa kanilang lugar ang virus. Total lockdown ang ginagawa sa ilang siyu­dad at bayan at walang makatutol dito sapagkat ito lamang ang tanging paraan para hindi na kumalat pa ang virus.

May mga nagrereklamo naman na may mga pulis na umaabuso sa pagpapatupad ng community quarantine. May mga pulis umanong nangha-harassed sa checkpoint. May mga pulis na parang martial law na ang pagpapatupad ng ECQ. Sabi ng ilan, nagpa-power trip na ang mga pulis na nasa checkpoint na para bang sila na ang makapangyarihan.

Ayon sa report, may ilang pulis mula sa Manila Police District (MPD) na nagmamando sa checkpoint ang nangha-harassed at pati babae ay walang pakun­dangan kung murahin at pagsalitaan ng kung anu-ano. Ayon sa mga nakasaksi, mistulang martial law ang asta ng mga pulis mula sa MPD.

Mayroon din umanong mga pulis na pinapayagan ang ilang naka-motor na may nakaangkas na maka­lampas sa checkpoint lalo na ang mga habal-habal. Ang habal-habal ang ginagawang pamasahero nga­yon mula nang ipagbawal ang public transport. Hina­hayaan ng mga pulis ang habal-habal dahil mayroon silang share sa kinikita ng mga ito.

Maliwanag ang sinabi ni President Duterte na hindi martial law ang pagpapatupad ng community quarantine subalit taliwas ito sa ginagawa ng ilang pulis sa checkpoint. Umakyat sa kanilang ulo ang pagiging diktador kaya sila lamang ang dapat masunod sa checkpoint.

Nararapat na imbestigahan at kapag napatunayan, kas­tiguhin ni PNP chief General Archie Gamboa ang mga pulis na umaabuso. Hindi dapat palampasin ang mga ginagawang pagmamalabis. Hindi martial law ang ipinatutupad kaya walang dahilan para mag­malupit.

vuukle comment

ACQ

AFP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with