Mga abusadong barangay kapitan, sinampolan ng BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2020 - 12:00am

Nag-UMPISA nang magsampol ang BITAG sa mga mapang-abusong otoridad na inirereklamo sa aming online public service. Noong nakaraang linggo, tatlong barangay captain ang isinumbong sa BITAG. Isa mula sa Pangasinan, isa sa Biñan, Laguna at ang panghuli ay sa Mandaluyong.

Ang unang sumbong, dahil nag-post siya sa Facebook na may bayad na P10 ang quarantine pass mula sa barangay ay sinugod siya ni Kapitan. Matapos niyang mailagan ang mga suntok ni Kap at ipinagtanggol ang sarili ay siya ang hinuli’t kinulong. Ang pera sanang pampagawa ng fishpond ng kanyang ama ang ginamit na pampiyansa (P36,000) upang siya’y pansamantalang makalaya.

Ang ikalawa naman, nagkomento lamang siya sa Facebook na kurakot ang kanyang barangay, hinataw naman siya ng dos por dos ni Kap kasama ang mga tanod. Nagawa niya lamang daw magkomento ng ganun dahil sa gutom, tanging ang lugar nila sa barangay ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda simula’t sapul.

Tinawagan ko si Kap para makuha ang panig, nagbingi-bingihan ito samantalang malinaw ang linya noong tinanggap ng kanyang tao ang aking tawag.

Panghuli, nakiusap lamang na palitan ang lantang gulay na kasama sa relief ng barangay, nagpanting ang taynga nang pagod na pagod daw na si Kap. Kinaladkad ang nagrereklamo papuntang barangay hall at ipinost sa Facebook na ‘wag tularan.

Ilan lamang ang mga ito sa panlalabis ng mga nasa may kapangyarihan ngayong panahon ng krisis. Kaya ang BITAG, katuwang ng gobyerno na bantayan ang mga ire­gularidad at paglabag sa lansangan.

Uploaded lahat ng istoryang ito sa BITAG Official YouTube page. Bukas ang BITAG Live Facebook messenger 24/7 para sa inyong mga sumbong. May krisis man, nasa bahay man, tuloy ang aming serbisyo publiko!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with