Kilos, LGUs!
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - March 28, 2020 - 12:00am

DAPAT ipagamit ang mga gusali na nakatengga lamang para sa mga may COVID-19. Habang nasa komunidad ang mga pinaghihinalaang may COVID, lalong kakalat ang virus kaya kung talaga nais ng local government units (LGUs) na mapigilan ito dapat lamang na ihiwalay na sila. Hindi na biro ang 707 na positibo sa COVID kaya dapat kumilos ang LGUs upang mapigilan ang pagkalat.

Katulad ng Las Piñas City kung saan may dalawang gusali para sa rehab center ang ipinuproseso na para magamit ng mga may COVID-19. Iilan lang naman ang naka-confine doon at ililipat na lamang sila sa Bicutan. Pagdating sa kalinisan at kalusugan ay ‘di matatawaran ang pamilya Aguilar kaya’t ‘di naalis sa puwesto. Siyempre malaking bagay din ang tulong na suporta ng pamilya Villar. Bukod sa mga gusali may kalakip pa itong livelihood program upang matulungan ang mga kapuspalad na taga-Las Piñas sa pamamagitan ng pagsasanay sa Villar Sipag Foundation.

Samantala sa Mandaluyong ay sinisimulan nang linisin ang ginibang gymnasium para pagtayuan ng temporary shelter para sa may mga COVID-19. Malaking bagay ang ipinatatayo ni Mayor Menchie Abalos dahil may 50 pasyente ang puwedeng gamutin dito at maaring sa mga susunod na araw ay madagdagan pa ang gagamutin dito.

Samantala, nasa balag ng alanganin si Senator Koko Pimentel matapos na pumasok sa Makati Medical Center sa kabila na positibo ito sa COVID-19. Mukhang pinaplantsa na ng mga doctor ang kasong isasampa kay Pimentel. Kaya babala sa lahat na maging alerto at sumunod sa ipinatutupad na batas ngayong naka-lockdown ang Luzon. Manatili sa bahay upang mapigilan ang pagkalat ng virus na COVID-19. Tulungan natin ang pamahalaan na malutas ang krisis.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with